ARCILLA ANG 'CHAIRMAN OF THE BOARD!'

NAMANGHA ang korner na ito sa nakitang socmedia post kay NUCAA chairman at CAB executive director Atty. CARMELO ARCILLA na isa nang pinagpipitagang senior citizen, habang aktibo pang naglalaro ng basketball kalaban ang mga di hamak na mas bata sa kanya.

OPINION

Danny Simon

1/21/20242 min read

NAMANGHA ang korner na ito sa nakitang socmedia post kay NUCAA chairman at CAB executive director Atty. CARMELO ARCILLA na isa nang pinagpipitagang senior citizen, habang aktibo pang naglalaro ng basketball kalaban ang mga di hamak na mas bata sa kanya.

Si bossing Arcilla ay maning-mani pa rin ang husay sa dribbling, playmaking, perimeter shooting at barreling drive sa glassboard to the hoop chewing the sticky defense put on him that drew 'ohs and 'whew from the amazed crowd that you can literally call him 'chairman of the board'.

Sabi ng mga mga nakanood na seniors sa basketball...

'SANA ALL!

Mukhang magandang match- up sa basketball one-on-one si chairman Arcilla vs Nucaa Asst E.D. coach Arlene Rodriguez. Referee si dep EVP Red Dumuk, scorer si E.D. Ding Andres at sa teknikal si treas. Bang Tumapat at Bernarte with full media coverage ng PF Tonite at Gilas..ano say nyo?

'Chairman of the Board' Arcilla in action.

Balik tayo sa National Universities and Colleges Athletic Association (NUCAA), nakasalalay sa kanyang (Arcilla) liderato at tropa sa Board ang tagumpay ng liga na naka-isang taon na at going strong pa sa next season. ABANGAN!

Samantala may hatid-anunsiyo si Direk Ding sa lahat ng kinauukulan sa NUCAA...

'We have a board and membership meeting on Tuesday January 23, 2024 at the office of our Chairman Atty. Carmelo Arcilla (CAB) at 1:00 o'clock in the afternoon.

The ff are the invited schools to attend the meeting: PCCR, PATTS, AIRLINK, AIMS ICCT, IIHC, MTRO MNL COLLEGES, BESTLINK, IMMACULADA TRINITY ASIA, WCC CALOOCAN, PCU, UM, CCP, LACO at PICAF.

LOWCUT: Si chairman Atty. Arcilla na isang batikang commercial cager noong kanyang peak, organizer ng inter - town basketball tilts habang naglilingkod siya sa bayan bilang Executive Director ng Civil Aeronautics Board (CAB).

Chairman Atty. Carmelo L. Arcilla