IN GOD WE TRUST

Armada Sanchez 2 belts ang naisukbit… PH ENCUENTRO DINOMINA NG DAYUHAN

TATLONG dayuhan ang nagdomina sa kanilang kalaban upang maiuwi ang championship belt ng Philippine Encuentro Championship( PEC)49 nitong nakaraang weekend sa Catalan Fighting System training center sa Makati City.

SPORTS

Ni Danny Simon

3/3/20262 min read

TATLONG dayuhan ang nagdomina sa kanilang kalaban upang maiuwi ang championship belt ng Philippine Encuentro Championship( PEC)49 nitong nakaraang weekend sa Catalan Fighting System training center sa Makati City.

Unang isinukbit ng Mexican fighter na si Sanchez ang championship belt ng Sudokwan matapos na matigil ang laban kontra Adrian Bulado ng Pilipinas via Referee Stop Contest( RSC) first round injury ng Pinoy fighter.

Nauna sa doubleheader ni Sanchez ay ang muling pagharap niya sa naunang tumalo sa kanyang si Raymart Wasith sa MMA.

Nakuhang makaresbak ng Mehikano nang masapol nito ang Pinoy sa huling minuto sa 3rd and final round upang magwagi ang dayo via technical knockout (TKO) para sa titulo.

“i’m very happy for my performance .My comprehensive training and preparation bear fruits of success’, wika ni Sanchez.

Nakaiwas naman sa klarong pagkatalo si Bader Alsaljah ng Saudi Arabia matapos niyang mahulagpusan ang naunang choke ni Pinoy bet Jimmy Balderas sa unang minuto ng first round sa super lightweight ng MMA Super Fight.

Nakuhang makakalas ng malakas na Arabo mula sa choke ni Baldreras at siya naman ang nangibabaw upang tapusin ang laban via guillotine choke para sa championship belt.

Nakamit naman ng South African MMAer Sloan Venter sa loob lang ng 2 minuto ng unang round via guillotine choke kontra Earl Villones sa MMA Suoperfight.

Sa undercards,dinaig ni Baguio City bet Steve Fagsao kontra Eltie Tario ng Binangonan via unanimous decision habang tinalo rin sa puntos ni Elbert Bernardino ng Iloilo si Erwin Huen ng Bicol via UD sa boxing event.

Walkover win naman ang naitala ni Jerile Java kontra kay Cindy Longcob ng Pasay City sa female superfight.

Ang naturang PEC Search for world heroes ay inorganisa ni Asian Games Doha 2006 wushu gold medalist/ SEAGames multi-gold medalist Rene Catalan at suportado ng Goldpro Ventures Corporation ( GVC).

Ang isa sa championship belt ng PEC 49 ang nasukbit ni Armada Sanchez ng Mexico.