ARTS CLINIC FOR KIDS AT BIMP EAGA GAMES SA PUERTO PRINCESA

DALAWANG makabuluhang misyon ang maisasakatuparan ng inyong lingkod sa ating pagdayo dito sa mahalina, mapayapa at progresibong lungsod ng Puerto Princesa, lalawigan ng Palawan.

OPINION

DANNY SIMON

12/3/20242 min read

DALAWANG makabuluhang misyon ang maisasakatuparan ng inyong lingkod sa ating pagdayo dito sa mahalina, mapayapa at progresibong lungsod ng Puerto Princesa, lalawigan ng Palawan.

Una ay ang opisyal na duty bilang miyembro ng media na kumokober ng blow- by- blow na kaganapang international na tunggaliang pampalakasan ng magkakapit- bansang Brunei Darussalam,Indonesia,Malaysia,Philippines East Asia Growth Area( BIMP-EAGA) Friendly Games na ini-host ng Puerto. Princesa City sa pamumuno ni Mayor Lucilo Bayron at suportado ng Philippine Sports Commission( PSC) sa liderato ni Chairman Richard Bachmann .

Ang prestihiyosong kaganapan ay naging avenue ng talento ng piling atletang Pilipino mula Mindanao at paraan din upang makadiskubre ng potensyal na atletang Pinoy sa grassroots level na makapaghandog ng karangalan sa bansa sa hinaharap.

Ngayong araw matatapos ang matagumpay kaganapang hinangaan ng mga dayong atleta at delegasyon partikular ang pagiging punong-abala ng Puerto Princesa.

Kasunod ng kaganapang ito ay ang ating personal na adbokasya na magturo ng ating God-given talent na biswal na sining (visual arts)para sa mga batang Palaweño partikular dito sa Puerto Princesa na balwarte ni Mayor Lucilo 'Environmentalist' Bayron. Tuturuan ng inyòng kakorner ng basic knowledge sa drawing, lettering, painting,canvas and mural pati na t-shirt printing.

City Sports Admin. Atty. Rocky Austria & Gilas News

Mayor Bayron & Gilas News

Nabanggit ko ito kay Mayor Bayròn at napag-usapan namin ni Sir Ŕocky Austria noong coverage ko ng World Dragonboat Championship dito

kaya handa na ako sa aking noble endeavor para sa batang Puerto...Go young artists Go!

Lowcut: Shoutout kina M'dam Mary Elaine B. Cursod, Yolanda Rodriguez, EJane del Torre, Jupiter Vigonte, Lucho at Chichay Cursod diyan sa Paper Square School Supplies Trading sa San Pedro Nat'l. Highway (malapit sa City Coliseum ng Puerto Princesa and kudos sa mga CIO staffs na nakasama natin dito sa Media Centeŕ na sina Sir Enrique Obligar, gayundin si Ms Farah Dela Cruz at kay Mdam Normalyn Dave and of course kay Bos Richard Ligad ng Mayor's Office. Mabuhay kayo!