Asian Baseball C'ship..MANAIG ANG BEST CATCHER, BOSITO ANG BEST OUTFIELDER
NAGPASIKLAB ang dalawang miyembro ng national baseball team na tumapos ng respektableng top four sa idinaos na Asian Baseball Championship na ginanap sa Taipeh, Taiwan.
SPORTS
Danny Simon
12/12/20231 min read


NAGPASIKLAB ang dalawang miyembro ng national baseball team na tumapos ng respektableng top four sa idinaos na Asian Baseball Championship na ginanap sa Taipeh, Taiwan.
Pumuwesto sa podium ang perenyal na magkakaribal na Japan (kampeon), host Taipeh (silver) at South Korea na tumalo sa Pilipinas para sa bronze.
" We are 4th place of Asian Baseball Championship. Two players got individual award.


Tournament best catcher is Mark Manaig while Tournament best outfielder is Erwin Bosito", pahayag ni coaching staff member/consultant Japanese national Philippine - based Keiji Katayama kaagapay sina head coach Orlando Binarao, coach Joseph Orillana, coach Isaac Bacarisas at coach Wilfredo Hidalgo.
Dumating na sa bansa kahapon ang pambansang koponan sa timon ni delegation head Jose 'Pepe Munoz - secretary general ng Philippine Amateur Baseball Association ( PABA) na pinamumunuan ni president Chito Loyzaga.
Tinalo ng Pilipinas ang karibal sa Sòutheast Asian Games na Thailand at pambato sa East Asia na Pakistan sa torneo.


Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato