Asian Mixed Martial Arts Championship sa 'Pinas.. BAMBOL KUMPIYANSA SA PINOY BEST BETS

IT'S all systems go para sa pagdaraos ng buwenamano at prestihiyosong Asian Mixed Martial Arts Championship na inilunsad kahapon sa Newport World Resort, Mariott Garden 3 sa Pasay City.

SPORTS

Enjel Manato

9/18/20241 min read

IT'S all systems go para sa pagdaraos ng buwenamano at prestihiyosong Asian Mixed Martial Arts Championship na inilunsad kahapon sa Newport World Resort, Mariott Garden 3 sa Pasay City.

Punong abala ng naturang continental game sa combat sport ang Martial Arts Association of the Philippines (MMAP) ni President (Cong.) Mayor Abraham 'Bambol' Tolentino na siya ring Pangulo ng Philippine Olympic Committee katuwang si MMAP Secretary General Alvin Aguilar, pinuno rin ng Wrestling Association of the Philippines at founder ng tanyag na URCC MMA.

"Buwenamanong pagdaraos at pag-host ito ng MMA sa Asia kung saan nakataya dito ang medalya at may laan ding premyong. salapi sa mga mamamayagpag na MMA' ers mula sa iba't ibang Asian countries. Sa Oktubre pa naman ang kampeonato kaya me time pa para sa pagpili ng ating mga pambato galing man sa wrestling, wushu, karatedo, taekwondo, jujitsu, sambo, kurash at iba pang combat sports, welcome lahat", wika ni Bambol, top brass din ng Phil Cycling at secretary general ng National Chess Federation of the Philippines(NCFP).

" Sa lahat ng MMA'ers sa Maynila hanggang sa probinsya, heto na ang break ninyong hinahanap. Tunay na grassroot pero international ang kalibre ng kumpetisyon.

'Bakbakan na!' sambit naman ni secgen Aguilar.

Dumalo rin sa kaganapan ang mga pinuno ng Asian Mixed Martial Arts at ang CMO ng Newport World Resort na pagdarausan ng AMMA bakbakan na si David Jorden.

Ang grandeng paglulunsad ng Asian Mixed Martial Arts Championship na idaraos sa bansa sa Newport World Resorts - Mariott Garden 3 sa Pasay City sa pangunguna nina host MMAP president Abraham 'Bambol Tolentino, secgen Alvin Aguilar at tagataguyod na Newport ni CMO David Jorden.(kuha ni Menchie Salazar)