IN GOD WE TRUST

ASTAF U-19 ASIAN SEPAKTAKRAW C'SHIP '26 SISIPA SA 'PINAS

SISIPA na ang lahat ng sistema para sa pagiging punong- abala ng Pilipinas sa prestihiyosong A STAF U- 19 Asian Sepaktakraw Championship sa huling bahagi ng taon 2026.

SPORTS

Ni Enjel Manato

2/25/20261 min read

SISIPA na ang lahat ng sistema para sa pagiging punong- abala ng Pilipinas sa prestihiyosong A STAF U- 19 Asian Sepaktakraw Championship sa huling bahagi ng taon 2026.

Sa press conference kahapon sa PSC Media Center na pinangunahan ni PSTAI president Karen Claire Tanchangco-Caballero at panauhin sina Philippine Sports Commission chairman Patrick Gregorio, commissioner Wawit Torres at ASTAF technical delegate Mohammad Fariq Abdul Halim, puspusan na ang preparasyon para sa naturang kaganapang unang pagkakataon na maging punong- abala ang Pilipinas.

"Not in my wildest dream na makakapag-host tayo ng higanteng kampeonato sa sepak na international ang level ng kumpetisyon. Maraming salamat sa PSC particular kay chairman 'Pato na all-out ang suportang pinansyal, rigid training hanggang actual na bakbakan sa Pilipinas," wika ni Tanchangco sa panayam.

Tiniyak naman ni chairman Gregorio na matatapos on time ang mga dapat ayusin para sa venue na iconic Rizal Memorial Coliseum na nasa loob ng RMSC sa Malate, Maynila.

" Ang ASTAF Asian Sepaktakraw Championship '26 ay isa sa nakahanay na sports tourism event na dapat lang nating suportahan. Matindi ang binuno sa bidding ni PSTAI head Tanchangco bago makuha ng Pilipinas ang right to host international U-19 event,congratulation!", pahayag ni chairman Gregorio.

Saludo naman si ASTA official Fariq sa determinasyon ng local na NSA ng sepak kaya ngayon pa lang aniya ay nakatitiyak na ng tagumpay ang dambuhalang kaganapan sa kontinente lalo pa't aniya ay todo suporta Ang Philippine Sports Commission at ang pagtulong sa promosyon at impormasyon ng naturang Asian U-19.

All systems go for ASTAF u-19 Asian Sepak Takraw Championship '26 Ph hosting.(Menchie Salazar)