Ateneo Blue Eagles pumalag vs Adamson Falcons, 62-58
Nakaligtas ang Ateneo de Manila University sa mapaminsalang third quarter, nang maka eskapo kontra Adamson University sa isang defensive battle, 62-58, para palakasin ang UAAP Season 86 Men's Basketball Final Four nitong Linggo sa SMART Araneta Coliseum.
UAAP
11/15/20232 min read


Games Wednesday
(Mall of Asia Arena)
11 a.m. – UE vs Ateneo (Men)
1 p.m. – UP vs UST (Men)
4 p.m. – DLSU vs FEU (Men)
6 p.m. – NU vs AdU (Men)
(Smart Araneta Coliseum)
9 a.m. – UST vs FEU (Women)
11 a.m. – Ateneo vs DLSU (Women)
1 p.m. – UP vs UE (Women)
3 p.m. – NU vs AdU (Women)
Nakaligtas ang Ateneo de Manila University sa mapaminsalang third quarter, nang maka eskapo kontra Adamson University sa isang defensive battle, 62-58, para palakasin ang UAAP Season 86 Men's Basketball Final Four nitong Linggo sa SMART Araneta Coliseum.
Karit ng Blue Eagles ang solong pang-apat sa standing na may 6-6 record, isang laro sa unahan ng Soaring Falcons, na bumagsak sa 5-7 sa ikalima.
"It was tough as it gets and we expected that," saad ni Ateneo head coach Tab Baldwin. "That's the Adamson team, that's the Adamson coaching staff, they just grind you down and they're doing it to everybody. It was never easy against them."
Pinamunuan ni Chris Koon ang Blue Eagles sa pamamagitan ng dalawang possession matapos hatiin ang kanyang mga free throws sa nalalabing 3:16, 59-55.
At ang sumunod na basket ay dumating sa 1:23 mark sa isang three-pointer ni Matt Erolon, na hinila ang Soaring Falcons sa loob ng isang puntos, 58-59.
Pagkatapos, naganap ang defensive battle. Nagkaroon ng apat na pagkakataon ang Adamson para manguna, ngunit nag-airball si Vince Magbuhos ng tres, sumablay si Ced Manzano ng dalawang putok, at si Didat Hanapi ay nag-fadeaway jumper nang 'ala lang sa nalalabing siyam na segundo.
Nabigo rin ang Ateneo na mag-convert, kung saan si Chris Koon, isang 72.9 percent shooter mula sa linya, ay kinapos ng dalawang free throws sa nalalabing 46.1 segundo. EM
Iskor:
Ateneo 62 – Quitevis 12, Obasa 10, Ballungay 10, Koon 8, Espinosa 7, Amos 6, Credo 4, Brown 3, Lazaro 2, Celis 0, Chiu 0, Nieto 0.
AdU 58 – Montebon 13, Calisay 9, Erolon 8, Magbuhos 7, Manzano 6, Hanapi 6, Yerro 5, Ramos 2, Ojarikre 2, Barasi 0, Cañete 0, Colonia 0.
Quarterscores: 18-13, 38-29, 42-49, 62-58
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato