ATHLETE OF THE YEAR SI EJ NG PSA
Sa wakas , gagawaran na ng kaukulang gawad ang ating bayaning atleta na nagningning sa larangan ng athletics nitong nakaraang taong 2023.
OPINION
Danny Simon
1/11/20241 min read


Sa wakas , gagawaran na ng kaukulang gawad ang ating bayaning atleta na nagningning sa larangan ng athletics nitong nakaraang taong 2023.
Hinirang na ng Philippine Sportswriters Association ang PH pole vaulter na si EJ Obiena bilang Athlete of the Year sa gaganapin nitong PSA Awards night sa January 29 sa Diamond Hotel.
Mayorya ng buong PSA ang pinili si Obiena bilang handsdown choice para sa Athlete of the Year plum kasunod ng malalaking achievements na nakamntan niya ngayong 2023 kabilang ang pagiging World #2, pagkakapasok sa 6-meter club at ang gold medal finishes sa SEA Games at Asian Games.
Ang anak ni dating pole vaulter na si Emerson Obiena ang siya ring unang Pinoy na nag-qualify para sa ultimate dream ng mga atleta para sa 2024 Paris Olympics dahil sa kanyang silver medal sa world event sa Sweden sakto sa deadline ng Olympic qualifiers.
Ang 5.9 at 6.2 ay di masyadong malayo kaya ang Olympic gold ay halos abot kamay ni EJ tibayan lang ang sampalataya sa ITAAS , puso at determinasyon...ABANGAN!
Shoutout kina FFCI prexy Dong Batalan, admin Alyssa Dee, FFCI Laguna head Clarita Dimayuga, Kuya BhonBhon Glinoga, Kuya Sonnie Aguilar,Jr. at Dj Lemmor Crea Tion , sila ang maasahan at matitibay na key players ng champion Team FLM.Puso, Pagtulong , PAG-ASA!


EJ Obiena
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato