ATTN. KHAI OFFICIALS!
MAY nakarating sa desk ng korner na ito na isang reklamo o protesta tungkol sa kanyang balwarte na subdivision sa Antipolo City.
OPINION
Danny Simon
8/28/20251 min read


MAY nakarating sa desk ng korner na ito na isang reklamo o protesta tungkol sa kanyang balwarte na subdivision sa Antipolo City.
Ayon sa ating Uppercut reader na miyembro ng homeowners association ng Kingsville na nasa Marcos Highway sa Ciudad Antipolo, labis siyang nagtaka pati na mga ka-homeowner niya sa implementasyon nang patakaran o regulasyon na bagong ordinansang pinagkasunduan umano ng mga bagong hanay na opisyales ng KHAI para sa mga yao't parito na labas-masok sa Kingsville miyembro man,bisita o outsider.
Ayon sa ating suki, ngayon lang aniya nagkaroon ng mistulang toll fee sa mga gate nito para sa road users daw gayong di naman national road ang mga kalsada sa loob.
Ang naturang ordinansa aniya ay di dumaan sa public consultation kaya laking gulat nila sa ipinapatupad na paniningil depende ang amount sa gate na papasukan pati na ang pagmumulta sa mga di nakuhang ID sa loob ng 24 oras.
Op kors kung may paniningil ay may aasahan ang mga tagaroon ng development sa lunduyang iyon partikular ang kumpuni ng kalsadang lubak na sa kasalukuyan.
Kinakalampag ng Uppercut ang mga opisyal ng KHAI na mangyari lang na rebisahin ang bagong patakaran upang makita kung may labis sa napagkasunduan nilang kautusan para every homeowner ay well informed at everybody happy.
Hindi deserve ninuman sa tagaroon na may mistulang pagkadiktador na pamunuan sa lunduyang iyon na pantay-pantay lang sa estado ng buhay.
Puwede rin naman mabali ang utos ng hari sa Kingsville kung may kalabisan..
ABANGAN!!
Good morning sa inyo Pangulonģ GAS.
Lowcut: Open ang pitak na ito para sa reaksyon o sagot kaugnay ng naturang isyung natunghayan above ngayon, mangyaring kumontak sa #09451935742 .
Congrats kay Kuya Vice Alex para sa malaking blessing mula Kamindanaoan.Shoutout kay Datu Alexander Pingol at Kuya Bonifacio Bargan of course Pugay kay Kua Mike U.Sunud-sunod na ang BIYAYA! When it rain..it pours 'ika nga di ba Kuya Tariq Butt, Kuya Pres. Chito Deguit at Kuya Edgar Deguit?
..MABUHAY!
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato