BABALA: FB HACKERS ON THE LOOSE!

NAGLIPANA na ang mga masasamang elemento sa cyberworld. Partikular sa mobile phone na essential na gamit pang- kominikasyon sa buong mundo.

OPINION

Danny Simon

2/1/20242 min read

NAGLIPANA na ang mga masasamang elemento sa cyberworld.

Partikular sa mobile phone na essential na gamit pang- kominikasyon sa buong mundo.

Ang gagaling ng mga taong sadyang ang utak ay sa IT manekti na dapat hangaan at itanghal sa pedestal ng teknolodyi.

Pero hanggang sa mundong ito ng modernong panahon ay may pakawala pa rin ang dyablo at pinalobo sa daigdig ng teknolohiya upang mamerwisyo ng mga tao para gumawa ng cyber crime.

Mismong ang korner na ito ay nadale ng mga hinayupak na hackers upang pagkaperahan kung sila ay mapabayaan.

Ang daming alam na paraan upang mamerwisyo tulad nang pagkuha ng tiwala ng kanilang prey upang maibigay ang detalyeng hinihingi at pronto na-trace na ng loko ang code ng FB mo.

Dahil kakilala nang husto ang nag-chat (na-hack din pala) ay walang hinuhang maibibigay ang numero kaya bingo dun na maghahasik ng masama ang demonyo.

Na- hack kamakailan ng linsyak ang ating FB messenger at presto..ung mga nasa inbox ay na- chat ng animal at gustong magkamal sa switik na paraan.

Mabuti at ating naagapan ang kakalat na mistulang wildfire ng kasamaan upang mamerwisyo at mambudol sa tao.

Buti na lang agad na naabisuhan lahat ng ating kaanak,kaisport,malayo at malapit na kaibigan ,gayunpaman di naman perfect ang kanyang cyber crime dahil may bakas , detalye at pagkakakilanlan siyang iniwan na magiging lead para mabilibid ang istyupid.

Doble ingat mga kababayan.

Kamakailan din ay ang account ng ating kompadreng si super PBA players' agent/ manager Danny Espiritu ang na-hack ng mga linsyak at ipinangungutang ito gamit ang kanyang pangalan.Wala namang naniwalang gagawin iyon ng isang madatung na si pareng Danny E.,kaya tameme ang hacker na si Tulume.

Mas matindi ay itong FB page ni Pinoy humanitarian champion at pandemic hero Dr.Francis Leo Marcos PhD ang nadale kaya sumandali ay natengga ang kanyang pagtulong na ang kanyang account ang gamit na means of communication.

Di nanghihinayang si Dr FLAM sa malaking kita ng kanyang FB page dahil wa-epek iyon sa lalim ng kanyang balon. Buti may verified siyang account na naging alternatibo ng kanyang Department of Help( DoH) para tuluy- tuloy lang ang tulong.

Ang hacker na iyon na tiyak na basher din niya ay saglit lang ang ligaya at ngisi hanggang tenga sa kabuhungang ginawa nita dahil sadsad sa lupa ang baba sa pagkainis at galit na di nila mai- down ang good man.

Sa panahon ngayon ng lalong pagsirit ng kasikatan ni Apo Francis kung saan kahit anong lugar ang puntahan ay pinagkakaguluhan siya eh esep-esep na kayo na isang araw ay ipakakain sa inyo ang tutsang sa long-i at hokbu sa leki-leki..

sumalosep!

Lalo na kapag natupad ang guhit ng tadhana at siya na ang 'chosen one'...bekelengnemen!

Hackers and scammers are everywhere.

Aksiyon na gobyerno, otoridad at mamamayan...

lipulin mga anay sa lipunan...

ABANGAN!