BACHMANN PROUD SA GILAS 'PINAS
ANUMAN ang resulta ng kampanya ng Gilas Pilipinas sa patapos nang Olympic Qualifying Tournament sa Riga, Latvia, very proud si Philippine Sports Commission Richard Bachmann sa kagitingan ng ating pambansang koponan mula manlalaro hanggang coaching staff.
OPINION
Danny Simon
7/7/20242 min read


ANUMAN ang resulta ng kampanya ng Gilas Pilipinas sa patapos nang Olympic Qualfying Tournament sa Riga, Latvia, very proud si Philippine Sports Commission Richard Bachmann sa kagitingan ng ating pambansang koponan mula manlalaro hanggang coaching staff.
Pinatunayan aniya ng Gilas Pilipinas na world caliber na tayo at tapos na ang pambu-bully ng mga mas matatangkad na Europeans sa ating koponan tuwing dadayo sa kontinenteng iyon at ang phenomenal na pangyayari ay ikinalugod din ng basketball - loving Filipinos saan man dako ng daigdig.
Pinakatampok ay nang gulatin at talunin ng Gilas Pilipinas ang numero 6 sa mundo na Latvia ,89-80 sa group stage ng OQT sa harap ng umiiyak na hometown crowd sa Riga Arena.
Ang higanteng panalong iyon ang nagtulak upang umangat ang Pilipinas kontra Georgia via quotient system para sa semifinals na isa nang tagumpay na maituturing bagama't kinapos ang Gilas kontra Brazil kamakalawa ng gabi.
"Lahat tayo ay nais na maka-entra ang Pilipinas para sa Paris Olympics. Hindi man ngayon ay sa 2028 na sakop programa at sistemang babalikatin ni head coach Tim Cone para sa bayan..ABANGAN!
Si Chairman ay proud son ng basketball Olympian na si Kurt Bachmann noong Rome Summer Olympic Games 1960 na naging instrumental player sa pang-gulantang sa Spain 82-80 , naging PBA professional player noong dekada '90 na kabilang sa champion Alaska Milkmen noon at ngayon ay ang kapakanan ng sports sa buong bansa ang kanyang pinamumunuan..
ANG GALING NAMANN CHAIR BACHMANN!
****
PAGLILINAW NI PSC E.D. TATAD, JR.
BINIGYANG-diin ni PSC Executive Director Paulo Francisco Tatad,Jr. na ang pokus ng pamunuan ng ahensiya ay ang alignment ng mga kawani partikular ang mga kaswal na empleyadong naaayon sa kanilang job descriptions upang maiwasan ang redundancy sa trabaho. Ito ang sistematikong programang kanilang ipatutupad sa direktiba ni Chairman Bachmann matapos ang taon ng kanilang pamunuan na testing the water at paglalatag ng mga komprehensibong programa sa naturang government sports agency.
Siya naman bilang appointed E.D. iimplementa ang mga nararapat sa ahensiya na ang operasyon ay naayon sa job descriptions ng bawat kawani. Walang tanggalan dito kundi ilalagay lng sa tamang direksyon at ang gastusin ay tama lang sa pag-gagamitan.
Galing ng ating E.D. na manang -mana sa kanyang amang icon sa paglilingkod-bayan. Nice one Kit,Jr.!
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato