IN GOD WE TRUST
BACKDOOR BENDING THE CONSTITUTION
Bakit hindi matanggap ng mga ilang senator judges na ang TWO THIRDS NG ALL MEMBERS OF THE SENATE AY 16. DAHIL SA KWENTA NG MGA GUSTO I CONVICT SI VP SARA AY HINDI NILA KAYA UMABOT NG 16 VOTES.
OPINION
ATTY. ARIEL INTON
9/18/20261 min read


Bakit hindi matanggap ng mga ilang senator judges na ang TWO THIRDS NG ALL MEMBERS OF THE SENATE AY 16. DAHIL SA KWENTA NG MGA GUSTO I CONVICT SI VP SARA AY HINDI NILA KAYA UMABOT NG 16 VOTES. At kapag walang 16 ay absuelto si VP SARA at pagtumakbong presidente ay malamang ang panalo. Hindi fairness, hindi truth, hindi accountability ang gusto nila kung hindi political survival nila.
Sabi ni Senator Benda Law na pag 16 ang kailangang boto ay baka ACQUITTED by default si VP SARA. Ang gusto kasi niya ay hindi maka takbo ang ale para sa eleksyon ay talo by default siya dahil disqualified to run for public office.
At ilan kaya sa mga senator na gusto ma convict si Sara ang naglalaway pumalit na maging vice president ni BBM?
Noong nakaraan ay may mga former supreme court justices na naimbita para ibigay ang kanilang OPINION sa usaping two thirds vote. Siguro mas mainam ay inimbita ng senado ay math at english teacher para mapaliwanag ang NAPAKALIWANAG na wordings ng saligang batas.
At ano ba ang gusto manyari ng mga desperadong senador?
Pagbotohan ng mga senador kung ang conviction ay 16 o hindi. At dahil hindi naman judgment yan, majority of all present senators ang kailangan bumoto na hindi 16 ang two thirds vote for conviction ay backdoor bending the law mangyayari! By a simple majority vote they will succeed in reducing the constitutional threshold of two thirds vote.
At kung sakaling iakyat sa Korte Suprema ang issue ay maaring gamitin nila ang doctrine of constitutional avoidance at hindi mag ruling ang Supreme Court. Pag ka ganoon wala na tayong recourse kung hindi ang desisyon ng taongbayan. Mahirap kilalanin ang isang desisyon na nakuha sa pilipit na paraan .
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
