'BAD GARMA'= 'GOOD KARMA!'
SA susunod nilang pagdayo, magkakasama sina chess International Masters Efren Bagamasbad at Chito Garma ('badgarma') sa iisang misyon na pinakamimithing 'good karma' - ang GRANDMASTER title na posibleng makamit sa Portugal .
OPINION
Danny Simon
9/26/20242 min read


SA susunod nilang pagdayo, magkakasama sina chess International Masters Efren Bagamasbad at Chito Garma ('badgarma') sa iisang misyon na pinakamimithing 'good karma' - ang GRANDMASTER title na posibleng makamit sa Portugal .
Huli man daw at magaling, kahit me edad na rin, kaya pa nilang makopo ang ultimate na pangarap ng 3 senior chess masters, target ang GM title sa Portugal.
Kumpiyansa sina International Masters Chito Garma at Jose Efren Bagamasbad, gayundin si FIDE Master Mario Mangubat na makamit ang pinakahihintay na GM title sa kanilang pagsabak sa FIDE World Senior Chess Championships sa Nobyembre 16-24 sa Porto Santo Island, Portugal.
“Mabigat ang laban namin, pero dahil sa kondisyon ako at talagang magaan ang feeling ko na makukuha ko, finally yung Grandmaster title. Bilang chess player, ito ang ultimate goal namin, medyo inaabot na tayo ng pagiging senior pero sabi nga sa buhay wala sa edad yan, hindi pa huli sa tulad kong senior na matupad yung pangarap naming GM title,” pahayag ng 60-anyos na si Garma sa TOPS ‘Usapang Sports’ sa Rizal Memorial Coliseum VIP Room.
Sinegundahan ito ng 68-anyos na si Bagamasbad mula sa Camarines Norte ang pahayag ni Garma at maging siya ay nagpapasalamat sa isa pang pagkakataon na nakamit ang pinakamimithing titulo sa larangan ng chess.
“Mula sa Executive Chess tournament, umangat ako sa National Open sa sa international tournament. Nakuha ko yung dalawang GM norm, nagawa ko ito, kaya sabi ko sa sarili ko magagawa ko ring makuha ang GM title,” sambit ni Bagamasbad.
Nasungkit nina Garma at Bagamasbad ang slots sa World Championships matapos magwagi sa kani-kanilang age bracket (50-64 yrs) at ) 65-over), ayon sa pagkakasunod sa nakalipas na Asian Senior Championships na ginanap sa Tagaytay City, habang si Mangubat ay nakahirit ng bronze medal sa 65-over class.
“Marami kaming pinagdaanan at nakamit na karanasan dahil halos buong buhay naming itinuon naming sa chess. Syempre, nahanap-buhay din kaya nahinto sa paglkalaro, pero yung passion kasi sa chess nandyan kaya kahit seniors na kami tuloy pa rin, awa ng Diyos binigyan kami ng pagkakataon na makapagwagi ng GM title sa world seniors meet," ayon kay National Master Marlon Bernardino, tumatayong coach/adviser ng Philippine senior team katuwang din si colleague at international news editor Noli Cruz.
Sa kinauukulan, kung natutulungan nila ang mga atleta natin sa Olympics, Paralympics at iba pang mga sports heroes to be, need din ng 3 potential na makapag-aambag ng karangalan sa bansa at sana ay ngayon nang sasabak pa lang sila at huwag nang antayin pa ang resulta...NOW NA!
Sa mga kokontra sa noble endeavor ng tatlong seniors sa kanilang PORTUGAL mission, mabilis lang ang karma...
PORTUGUESE KAYO!
Lowcut: Nanawagan ng tulong pinansiyal ang grupo ni Garma sa Philippine Sports Commission, gayundin sa mga corporate businesses para makabawas sa kanilang gastusin patungong Portugal. PRONTO!


Tres Señores sa Ahedres (mula kaliwa): Fide Master Mangubat, IMs Garma at Bagamasbad.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato