BAGAMASBAD BUMABANDERA SA ASIAN SRS CHESS C'SHIP

Tagaytay City-Bagama't nasa dehadong itim na piyesa,patuloy ang magilas na laro ng nagdedepensa sa titulong si IM Efren Bagamasbad matapos pigilin ang bumabalikwas na si FM Antonio Molina

SPORTS

Enjel Manato

10/19/20231 min read

Tagaytay City-Bagama't nasa dehadong itim na piyesa,patuloy ang magilas na laro ng nagdedepensa sa titulong si IM Efren Bagamasbad matapos pigilin ang bumabalikwas na si FM Antonio Molina at mapanatili ang malinis na 4 puntos sa 65- anyos na kategorya ng 12th Asian Seniors Chess Championship dito sa Knights Templar Hotel.

Si Bagamasbad na nakopo ang titulo noong 11th edisyon na ginanap sa New Zealand noong nakaraan taon ay umangat kontra Molina sa kanilang engkwentro sa board one upang mas tumibay pa ang kanyang solo liderato sa kanyang apat na sunod na panalo sa kumpetisyong ini- host ng Tagaytay City sa pamumuno ni Mayor Abraham ' Bambol' Tolentino ( POC president / Phil Cycling head)at may basbas ng National Chess Federation of the Philippines na pinamumunuan ni Pres./ Chairman Prospero Pichay.

Abante si Bagamasbad ng full point kay

Aikazy Baimurzin ng Kazakhstan,FM Adrian Pacis at Mario Mangubat ng Pilipinas.

Sa 50- above category,napanatili ni IM Chito Garma ang lamang sa kanyang 3.5 matapos tumabla kay top seed Rogelio Antonio.