Bagong rekord sa 2025 Batang Pinoy swimming competition, Santor ang bida!
General Santos City - 63 swimmers ang nagtala ng bagong rekord mula sa 36 events sa 2025 Batang Pinoy swimming competition kahapon sa main hub ng torneo sa Acharon Sports Complex Dito
SPORTS
10/30/20253 min read


GENERAL SANTOS CITY- 63 swimmers ang mga nakapagtala ng bagong rekord mula sa 36 events sa 2025 Batang Pinoy National Championships kahapon dito sa Antonio Acharon Complex.
Abot-tenga ang ngiti ni City of Manila swimmer Patricia Mae Santor sa pagsisid ng kanyang ika-6 na gold medal sa huling araw ng kumpetisyon at maibulsa ang kabuuang pitong ginto. Siniguro ni Santor, student-athlete ng University of Santo Tomas, ang ikalawang gold sa team event matapos pangunahan ang Manila sa panalo sa 400-meter medley relay katuwang ang katropang sina Kristine Jane Uy, Naomi Sy, and Eliana Isabel Rodriguez.
Naorasan ang apat sa tuling 2:08.86, para ungusan Bacolod City at Mandaue City sa final swimming event ng Philippine Sports Commission-organized multisport tournament, at sa tulong ng Yakult, Milo, Summit Drinking Water, Cynergy Artworks at Pocari Sweat.
Si Santor ang may pinakamaraming medalyang naisabit na female swimmer sa torneo na may apat na individual at dalawang team golds, dagdag pa ang silver.
Si FJ Catherine Cruz ng Mabalacat, si Nuche Veronica Ibit ng Aklan, at Sophia Rose Garra ng Malabon ay komopo ng tig-5 gold medals, i-sweep ang lahat ng kanilang individual events.
Si local standout Christian Isaiah Lagnason ay nagbulsa ng four gold medals sa kanyang balwarte ngunit binawi dahil sa false start disqualification nung Miyerkoles.
Sa iba pang resulta, binasag ni John Dwayne Malpas ng Tacloban City ang rekord sa boys age 12-13, 50 meter breast stroke sa tiyempong 31.51 para sa gold, inalpasan niya ang sariling marka na 33.23 noong BP 2024, segunda si Apollo Mar Macarine ng Surigao City, 31.71, tersera si Drake Jazzer Langis ng Puerto Princesa City, 34.04.
Rekord din ang nilangoy ni Cassandra Jamandre sa girls 12-13 ng Passi City, Iloilo, 34.65 hiniritan ang dating tala na 37.00 ni Reille Aislyn Antonio ng San Juan (2024), ikalawa si Jeanine Abastar ng CdO, 37.19., Bronze si Adrienne Reese ng Pasig, 38.26.
Harurot si Visnuh Jay Llaguno ng Gingoog City para sa gold ng boys 14-15, 50m breast stroke sa kanyang 31.60, sumunod si Jet Deryl ng Angeles City, Pampanga, 31.64 at 32.34 si Kevin Bryle ng Mandaluyong, 32.34.
Sa girls 14-15 -50m breastroke, nailista ni Krystal Ava David ng Makati 34.84 para sa gold, Rielle Aislyn Jaan ng Pasig, 35.30, at Jamaica Enriquez ng Province of Pangasinan, 36.93.


Naglitanya ng kagalakan si Philippine Aquatics, Inc. Secretary General at swimming icon Eric Buhain sa naging pasada mula sa kanyang bagitong mga manlalangoy sa buong rehiyon sa 36 events.
"It's all because of PAI focus on grassroots and pushing the performance of our age grouper across the 17 Regions kaya na challenge ang mga swimmers. Pasalamatan din natin ang mga Regional Directors who supported this move to elevate the standards of Philippine Aquatics.
"Konti pang push and we will be where we are supposed to be in terms of age group performance in international level competition not just in our Region in SOUTHEAST ASIA, but also in our continent of ASIA. 2 years pa lang tayo may marked improvement na. Imagine what we can achieve in another 2 years. This is very exciting development with BP results. Yan ang true grassroots. Yan din ang part 1 ng PSC slogan. Part 1 is from GRASSROOTS TO GOLD, " aniya pa.
Sa iba pang event, wagi ng gold si Kian Kurt Tormis ng Dipolog City sa 1,500 meter run Boys u- 16 athletics sa Acharon Sports Complex. Kampeon ang Kyusi vs Taguig City sa 3x3 Basketball Boy's Finals, 21-16. Matatag na binagtas ni Iralea Dumaguin ng Manila ang 2km walkathon sa girls u-18 para sa gold. (ENJEL MANATO)
Patricia Santor
Christian Lagnason
Wagi ang Kyusi kontra Taguig, 21-16 sa Basketball 3x3 Boy's Finals Champion. (PSC pool media)
Gold kay Iralea D. Dumaguin( #0736) - Manila sa 2km walk girls u-17. (PSC pool media)
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09451935742
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato
