Bakit itinuturing na bayani ang mga atleta?

May nakita ako na fb post kung saan ikinumpara si Olympic double gold medalist Caloy Yulo sa isang sundalong Pilipino na nawalan ng daliri dahil sa laban. Bakit daw ang laki ng binibigay na pera at parangal kay Yulo pero sa sundalo ay wala. Hindi kasalanan ni Yulo yun .

SPORTS

Atty. Ariel Inton

8/25/20242 min read

May nakita ako na fb post kung saan ikinumpara si Olympic double gold medalist Caloy Yulo sa isang sundalong Pilipino na nawalan ng daliri dahil sa laban. Bakit daw ang laki ng binibigay na pera at parangal kay Yulo pero sa sundalo ay wala. Hindi kasalanan ni Yulo yun.

Totoo na dapat bigyan din ng karangalan ang kawal ngunit hindi ibig sabihin na hindi deserving ang mga atleta na nagbigay karangalan sa bayan at matawag na sports heroes. Hindi lamang sa Pilipinas itinuturing na bayani ang mga atleta maging sa ibang bansa.

Banggitin natin ang ilan:

1. Jesse Owens- American track and field athlete na nanalo ng four gold medals sa 1936 Berlin Olympics. Ayon sa Wikipedia Owens is a black American athlete who single handedly crushed Hitler 's myth of Aryan supremacy.

2. Arshad Nadeem ng Pakistan na nagtala ng bagong Olympic record sa javelin throw sa 2024 Paris Olympics. Binigyan siya ng over one million dollars ng mga donor at isang buffalo. Sa Pakistan ang isang buffalo ay honorable at valuable gift dahil ang gatas nito ay itinuturing na " black gold" sa Pakistan.

3. Sergei Belov Russian basketball player na nag shoot ng winning basket sa 1972 Olympic basketball gold medal match laban sa United States. Bagamat itinuturing na pinaka kontrobersiyal na laro ito sa Olympic basketball. Si Belov ang tumuldok sa undefeated winning streak at gold medal winning ng USA.

May mga atleta rin na nagbuwis ng buhay para sa bayan o nagsilbi bilang sundalo.

4. Teofilo Yldefonso - Filipino olympic medalist sa swimming noong World War 2 ay isa siyang Philippine Scout na namatay sa Capas, Tarlac bilang prisoner of war. Hindi na natagpuan ang kanyang labi dahil pinaniniwalaan na isinama ito sa mass grave.

5. Laura Ortiz - isang US Paralympic athlete na kasapi ng US Army National Guard.

Marami pang ibang atleta sa buong mundo na itinuturing na bayani ng kanilang bansa dahil sa karangalang binigay nila sa bayan o kaya sa pag-alay nila ng buhay o pareho.

Kaya sa ating paggunita ng National Heroes Day, alalahanin natin ang mga bayaning nagbuwis ng buhay at ang mga nagbigay karangalan para sa bayan.