IN GOD WE TRUST

BAKIT KAILANGAN TUTULAN ANG " FIXING" NG TERM NG BSKE AT PUEDE BANG GAWIN ITO SA PRESIDENTIAL ELECTION?

Dahil sa minadaling batas RA 12326 ang BSKE ELECTIONS ay sa second monday of November 2028 na gagawin at hindi na sa November 2 2026.

OPINION

ATTY. ARIEL INTON

10/9/20262 min read

Dahil sa minadaling batas RA 12326 ang BSKE ELECTIONS ay sa second monday of November 2028 na gagawin at hindi na sa November 2 2026.

Ilan petisyon na ang na file sa KORTE SUPREMA para PATIGILIN ANG POSTPONMENT AT MA DECLARE NA UNCONSTITUTIONAL ANG RA 12326.

Depensa ng pamahalaan na kapangyarihan ng Kongreso ang FIXING ng termino ng barangay at sk officials at INCIDENTAL lamang ang extension at postponment.

Pero ang totoong pakay ay ang postponment at ginamit lang ng Kongreso ang kapangyarihan to fix na term dahil PUEDE NAMAN MAG FIX NG TERM NG HINDI PINAGPAPALIBAN ANG ELECTION.

Ang pag asa natin ay ang KORTE SUPREMA.

May mga nagdududa tuloy kung matutuloy ang 2028 presidential elections.

Kung sa kabila ng lahat ng paninira kay VP SARA gamit ang lahat ng ahensya ng pamahalaan, BENDA LAW, pananakot sa mga senator judges at iba pa ay malusutan ni VP SARA ito. O kaya kung ma convict siya at lllamado ang papalit, ang kapatid na Mayor BASTE ay maari mangyari ang NO ELECTIONS SA 2028.

Sa panahon ngayon na madaling babuyin ng mga mambabatas ang Saligang Batas ay hindi malayong gawin nila ang FIXING the term formula para dito.

PAANO NILA MAGAGAWA YAN KUNG HINDI NILA AAMENDAHAN ANG SALIGANG BATAS?

Sa ngayon ay may paraan sila MAG BENDA LAW.

ARTICLE 7 sec. 4 ng SALIGANG BATAS third paragraph

UNLESS OTHERWISE PROVIDED BY LAW, the regular election for President and Vice President shall be held on the second Monday of May.

Ibig sabihin PAG NAG PASA NG BATAS ang Kongreso, pinirmahan ng presidente ay maaring baguhin ang petsa ng election ng presidente at bise presidente at hindi second monday of may 2028.

Pero teka di ba sabi ng Saligang Batas na SIX YEARS LANG ANG TERM ng presidente at bise presidente?

Yan nga ang delikado sa posisyon ng pamahalaan na INCIDENTAL LANG NA EXTEND ANG TERMINO NG MGA BSKE OFFICIALS.

Sa mga BENDA LAW legislators sasabihin nila na ginalaw lang nila ang date ng election at incidental lang ang na extend ang term ng president at vice president.

Kaya kailangan ma convict si VP SARA para may pumalit na vice president at kasama ma extend ang term nila ni BBM. Hindi makatatakbo si Mayor BASTE dahil NO ELECTIONS nga.

Dahil sa scenario mahalaga ang magiging HATOL NG KORTE SUPREMA sa BSKE ELECTIONS .

May hanganan ang pasensya ng taongbayan.

Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.

#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City

Contact us:

09451935742
dasgilas010@gmail.com

Office Hours: 8am-5pm

To God Be the Glory

since 2023

Editor-In-Chief: Danny Simon

Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com

Write your text here...

Write your text here...