BALAHURANG INTSIK

Jab Straight- unsolicited advise ng UPPERCUT sa mga vlogger na mukhang TAMBA'y lang sa kanto at TAMBA'kul ang lansa ng mga kataga, sa isyu lang kayo pokus at hindi sa tinuturing nyong kalaban sa pagbablag lalo na si 'fake mag-news' at 'laki na ulo'. Umayos kayo para sa bayan di lang puro yabang at 'ayos' sa isipan! Bihis-bihis din para mukhang pro naman.

OPINION

Danny Simon

4/7/20243 min read

Jab Straight - unsolicited advise ng UPPERCUT sa mga vlogger na mukhang TAMBA'y lang sa kanto at TAMBA'kul ang lansa ng mga kataga , sa isyu lng kayo pokus at hindi sa tinuturing nyong kalaban sa pagbablag lalo na si 'fake mag- news' at 'laki na ulo'. Umayos kayo para sa bayan di lang puro yabang at 'ayos' sa isipan!Bihis-bihis din para mukhang pro naman.

MATAGAL nang gising at kumikikig pa ang tinagurian noong ‘sleeping giant’ sa mundo.

Mahabang panahong nahimbing ang dragon dito sa kontinente ng Asia kung kaya napag-iwanan ito ng milya-milya ng mga bansang ‘tiger economists’ na namayagpag ang kabuhayan.

Dedma nga ang mga superpower na mga bansa kahit na noong WWI at II maging noong cold war sa naghihilik na Tsina sa aspeto nang pakikidigma, conventional man o unconventional.

Pero nang malingat ang dambuhalang dragon, di pa nakapagmumog ay bumuga agad ito ng apoy sa bunganga at umarangkada pronto ito upang humabol sa mga naunang namamayagpag na bansa.

Dahil sa laki ng hakbang sa pag-karipas ay agad itong nakadikit sa lead pack ng superpowers at na-overtake pa ang ilang natunganga sa bilis ng momentum ng China.

Kumain ng alikabok ang ibang dating mapuwersang bansa na nagkawatak-watak tulad ng kasaysayan na lang na USSR (Union of Soviet and Socialist Republics na kinabibilangan ng Russia) at ang pag-guho ng Berlin Wall sa pagitan ng East at West Germany kung kaya ay natira na lamang ang USA (United States of America) bilang superpower.

Unang pinayabong ng China ang kanilang ekonomiya at dahil sa bilyong populasyon nito ay naisakatuparan ang misyong maging higante rin sa kalakalan dahil sa dambuhalang manpower nito na lahat ay sumusunod (walang pasaway) sa dikta ng kanilang lider dahil sa disiplinang itinimo ng political system ng People's Republic of China (PRoC).

Lingid sa mata ng mundo, kasabay ng pag-ratsada ng ekonomiya ang build-up ng military arsenal nito kung saan ay puwede na itong makidigma sa alinmang bansang nais niyang giyerahin maski na ang superpower sa mundo.

Sa panahon ng kanilang pagkagising ay pinasok naman ng demonyo ng kasakiman ang utak ng mga lider ng higanteng bansa. Tulad din sila ng ordinaryong mortal na walang pagkakuntento sa buhay kahit nasa kanila na ang lahat.

Ang China na nasa East Asia ay pangatlo sa may pinakamalaking land area sa daigdig.

Ito ay may sukat na na 9,597 million square kilometers kasunod ng Canada at Estados Unidos.

Pero bakit kahit nasa kanila na ang malawak na lupain, hayun at nangangamkam pa sila ng maliliit na isla na lagpas sa kanilang teritoryo sa karagatan?

Nagtagumpay na nga ang mga balahurang Intsik nang makapagtayo ng istruktura sa isang bahura natin sa West Philippine Sea dahil sa kapabayaan o katrayduran ng makapiling iilan noong nakaraan pang dilawang administrasyon. Mismong si Uncle Sam ay di ito naaksiyunan kaya nakamkam ang isla ni Juan.

Ngayon, akala ng China ay di na papalag ang Pilipinas dahil sa masyadong no-match ito kung sa giyera dadaanin kaya daan-daang militia boats ang ikinalat ng intruderong Tsina sa karagatang teritoryo at nasa economic zone natin na nagkukunwaring mga mangingisda lamang.

Natural, di papayag ang kasalukuyang administrasyon kung kaya nagbabala ang ating depensa na lumayas ang trespassing na China at winawarningang 'wag lalagpas sa teritoryo ayon sa law of the seas.

Naghain din ng diplomatikong protesta ang ating foreign affairs sa United Nations upang sumunod ang dambuhalang sakim para masawata ito sa masamang agresibo at asertibong hakbang na magiging banta sa pandaigdig na seguridad kapag di napigilan agad-agad.

Ang kunwang pakikipagkaibigan ng China sa ‘Pinas pati na ang pag-ayuda sa ekonomiya ng bansa ay napakalaki pala ng tubo sa kanilang ipinain na kabutihan kapag nagkataon.

Pero ang masamang tangka ay di magta-tagumpay nang ganun-ganon lamang.

Gumigiri na ang puwersa ng America na matagal nang kasangga ng Pilipinas.

Malaking katastropiya ang mangyayari kapag pinagpatuloy ng China ang kasakiman nito sa lupa sa ilalim ng araw.

Dahilan sa ang mga kapanalig nating ibang lahi ay handang sumaklolo at magsanib-puwersa ang allied forces ng US of A na mga Pranses, Australiyano, Indiyano Hapones pati mga Aleman atbp sa Europa kontra sa mga singkit na tulo-laway, posibleng ang Goliath ng China ay katapat lang ang David ng Pilipinas- kung sa kuwentuhan lang dadaanin.

Mahabaging Langit, mas matindi pa sa pandemya ang ating sasapitin kapag di napigilang masindihan ang mitsa ng ikatlong digmaang pandaigdig. ITABOY ANG MGA DIYABLO!

Lowcut-Belated birthday shoutout kay Amazing Kuya FRANCK CARREON ng Sucat, Parañaque City at kudos sa ating ka-Full Blooded Eagles gayundin kay Kuya Hero Angelo ng UNWRAPPED. Hello Kat Rin!