IN GOD WE TRUST

BALANGKAS NG NAT’L TEAM SA SWIMMING TATALAKAYIN SA TOPS NI BUHAIN AT PAI

Sentro ng talakayan ang mga kaganapan sa Philippine swimming sa pagbabalik ng Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ ngayong Huwebes sa PSC Conference Room ng Rizal Memorial Sports Complex.

SPORTS

Ni Menchie Salazar

5/27/20261 min read

Sentro ng talakayan ang mga kaganapan sa Philippine swimming sa pagbabalik ng Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ ngayong Huwebes sa PSC Conference Room ng Rizal Memorial Sports Complex.

Pangungunahan ni Philippine Aquatics, Inc. (PAI) Secretary General Eric Buhain ang mga opisyal ng Philippine Team ipang balangkasin ang komposisyon ng National delegation sa darating na Southeast Asian Age Group Championship na gaganapin sa Malaysia.

Inaasahan tatalakayin din sa programa ganap na 10:30 ng umaga ang mga pinakabagong detalye para sa isasagawang PAI National Tryouts para sa komposisyon ng koponan sa Asian Games sa Setyembre na gaganapin sa Nagoyo, Japan, gayundin ang National tryouts para sa Open Swimming na nakatakda sa susunod na buwan sa Boracay.

Inaanyayahan ni TOPS president Nympha Miano-Ang ang mga opisyal at miyembro gayundin ang mga sports enthusiast na makiisa sa talakayan na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, Behrouz Persian Cuisine at Pocari Sweat at mapapanood via livestreaming sa official Facebook page na TOPS Sports, Bulgar Sports, Sports Corner at Sportstek.ph

Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.

#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City

Contact us:

09451935742
dasgilas010@gmail.com

Office Hours: 8am-5pm

To God Be the Glory

since 2023

Editor-In-Chief: Danny Simon

Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com

Write your text here...

Write your text here...