BALDERAS, LACBAYEN, RAMON BROS PASIKLAB SA PH ENCUENTRO -SEARCH FOR FILIPINO HERO NI CATALAN

NIRAPIDO ng matinding opensiba ni NCR best bet Jimmy Balderas ang katunggali nitong si John Denver Racaza ng Region 7 upang tanghaling kampeon sa Main Event ng MMA sa umarangkadang Philippine Encuentro Championship ( PEC) Search for Filipino Heroes 46 nitong Linggo ng gabi sa CFS Gym sa Makati City.

SPORTS

Ni Danny Simon

11/16/20252 min read

NIRAPIDO ng matinding opensiba ni NCR best bet Jimmy Balderas ang katunggali nitong si John Denver Racaza ng Region 7 upang tanghaling kampeon sa Main Event ng MMA sa umarangkadang Philippine Encuentro Championship ( PEC) Search for Filipino Heroes 46 nitong Linggo ng gabi sa CFS Gym sa Makati City.

Bunga ng panalo,ang power player na si Balderas ay ginawaran ng espesyal na pabuya ng fight promoter at SEC Hawaii Organizer Andrew Clayton Garcia na dumating sa bansa upang saksihang personal ang kaganapang inorganisa ni Asian Games Doha 2006 wushu gold medalist Rene Catalan,top brass. ng Catalan Fighting System at Sudokwan Inc. president.

Wagi naman via split decision si Rex Lacbayen ng Leyte kontra Jarori Angangan ng Tuguegarao sa kanilang 3 minuto/ 3 rounds na bakbakan( Submission of the Night) sa Fight of the Night ng MMA category.

Nakamit naman ng magkapatid na Ramon ang Best Fight Kids of the Night.

" Another huge success na naman ang ating edisyon na umabot na sa ika-46. Nakaka-inspire din dahil maraming kabataan ang lumahok sa ating PEC Search and hopefully sa mga lalawigan na ang susunod na adbokasiya ", wika ni Catalan na nagpapagaling pa sa kanyang operasyon sa kanang mukha dahil sa injury

"I came here to attend this event ,see the fighters,see how it goes, collaborate with Rene and his organization and change things if needed for bigger event to promote Filipino fighters and get sponsors to fight in bigger arenas.Fiipino style of fighting is good, they need to be discovered so we have to talk about this endeavor", wika ni fight promoter Garcia ng Star Elite Cage ( SEC )na naka-base sa Hawaii.

Saludo naman ang mga atleta at bisita kay Catalan dahil sa ipinakitang husay ng liderato sa pag-organisa ng kaganapan sa kagustuhang makadiskubre pa ng talentadong kabataan fighter kahit na may iniinda pa at nagpapagaling bunga ng natamong injury.

" Para sa patuloy nating adbokasiya for our young fighters ..the show must go on!, " buong katatagang sambit ni Catalan.

PEC awards ceremony. Nasa larawan (mula kaliwa) sina Kali Master Amato, Denver Racaza, fight promoter Andrew Garcia( SEC Hawaii), Jimmy Balderas at Doc. Hm.Brookeshield Imperial.