Balik-Ph Billiards Open..KAYA MULING MANALO NI MANALO!

MULING magbabalik ang pambatong Pinoy na si Marlon Manalo sa Philippine Open sa Billiards at nakatakdang makakaharap ang dating World Champion na si Ralf "Kaiser" Souquet ng Germany sa Gateway Mall sa Araneta Center, Cubao, Quezon City.

SPORTS

ni Danny Simon

10/21/20251 min read

MULING magbabalik ang pambatong Pinoy na si Marlon Manalo sa Philippine Open sa Billiards at nakatakdang makakaharap ang dating World Champion na si Ralf "Kaiser" Souquet ng Germany sa Gateway Mall sa Araneta Center, Cubao, Quezon City.

Ito ang pagbabalik ni Marvelous Manalo sa lokal na eksena ng pool matapos ang mahabang panahon, dala ang isang legasiya ng mga tagumpay laban sa mga buhay na alamat sa larangan tulad nina Efren “Bata” Reyes at Francisco “Django” Bustamante.

"Ang Philippine Open tournament ay magandang pagsubok para sa akin, kaya naman naghanda akong mabuti para dito at kayang sumargo muli ng tagumpay," wika ni Manalo, na kilala rin sa mundo ng pool bilang "The Marvelous Captain";at multi SEAGamès medalist.

"Naniniwala pa rin ako na kaya kong maging kampeon sa Philippine Open," dagdag pa ni Manalo, maraming beses na nagwagi sa US Pool Circuit at runner-up kay Reyes sa 2004 World 8-Ball Championship.

Bagama't matagal na di umeksena sa competitive pool event si Kap dahil sa pagigìng public servant niya ay wala namang patlang ang kanyang ensayo sa kanyang pers lab na billiards sa kanyang state -of -the -art na bilyaran sa kanyang haybol sa Mandaluyong.

Kaya may tulog ang suking kalaban ni Kap na si Soquet sa napipintong pahahaharap nila sa pool table.

Iniimbitahan natin ang lahat ng billiards enthusiasts na saksihan ang sarguhan sa Philippine Open...ABANGAN!

LOWCUT: Tatlong tulog na lang ay nasa Tuna country o General Santos City ( Dadiangas ) ang inyong kakorner ( Uppercut) upang ikronikel ang mga kaganapan sa 2025 Batang Pinoy National Championship sa Mindanao. Iisang direksyon ang tungo ng mga batang atleta ng bansa,coaches, magulang, local tourists, opisyales sa pagsambulat ng grassroot sports national event na Batang Pinoy mula Oct. 25 to 31 sa GenSan. Tayo na sa Tuna City Kabayan!