IN GOD WE TRUST
BAMBOL SUPORTA SA GILAS ARTS EXHIBIT FOR CULTURE & SPORTS AT ISANG PAALALA KAY PACMAN
HINDI lang politics at sports ang love ni Philippine Olympic Committee president (Cong.) Abraham 'Bambol Tolentino. Alagad din siya ng sining (arts).
SPORTS
DANNY SIMON
11/5/20261 min read


HINDI lang politics at sports ang love ni Philippine Olympic Committee president (Cong.) Abraham 'Bambol Tolentino. Alagad din siya ng sining (arts).
Makikita mo sa tanggapan ni Cong. Bambol ang mga magagandang obra ng mga pintor na pamoso in their own right kabilang na ang mural painting ng inyong ka- Uppercut na sports ang tema.
Isang malaking arts project ang isinusulong ng inyong lingkod ka- sining na tinagurian kong Danni Gilas Arts Exhibit na ang subject ay tungkol sa Pinoy lifestyle, kultura, entertainment at SPORTS.
Naikuwento ko kay Cong. ang aking proyekto at ako ay agad niyang ginalamano dahil optimistiko siyang magiging success ang aking noble endeavour lalo na' t muli siyang susuporta katulad ng aking adbokasiya na nagtuturo ng basic arts sa mga bata na nationwide ang target marating ng aking arts session & sports clinic nang walang bayad (Libre).
Now pa lang ay PUGAY kamay na ang Uppercut sa natatanging sports leader ng bansang si POC prexy (Sports and Arts for all) Cong. Bambol.
***
PANAWAGAN KAY PACMAN
Katulad ni Cong. Bambol ay Isa ring alagad ng sining ang ating boxing icon 8-Division World Champion Manny' Pacman Pacquiao.
Mahusay siyang magbasketbol, hustler sa billiards, matalas sa chess, asintado sa darts, biritero sa folk, rock and country music at isang tunay na alagad ng sining.
Nang makadaupang- palad ko ang Pambansang Kamao sa isang press conference ay naipakita ko sa kanya ang aking Obra na siya ang bida.
Bilib siya sa piyesa ko kaya humiling siya na gawaan ko siya ng replica ng naturang mural painting.
Inatasan niya ang tao niyang si Cris na asikasuhin ang kanyang order na mural in oil.
Kahit di nagbigay ng advance payment ay iginuhit ko ang piyesa para sa kanya.
Natapos ko ang obra Kaya lang di KO na makontak si Cris kaya natengga ang aking ipininta hanggang ngayon mula 2024.
Panawagan ng korner na ito na makakasingil na sa ating buhay na alamat... SENENEMEN BEKENEMEN PECMEN!
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
