BANGGAAN NGAYON NG BAGITO PERO HIGANTENG KINGS AT TITANS SA SBA2

PATULOY ang hostilidad ng bakbakan sa Season 2 ng Sharks Billiards Association ngayon sa SBA Arena sa Tomas Morato, Quèzon City.

SPORTS

ni Abby Pamplona

11/23/20251 min read

PATULOY ang hostilidad ng bakbakan sa Season 2 ng Sharks Billiards Association ngayon sa SBA Arena sa Tomas Morato,Quèzon City.

Magku-krus na ng landas ang bagito pero dambuhalang koponang Makati Titans kontra Paranaque Kings sa ikalawang salvo ng pro billiards na ligang inorganisa ni SBA founder/ CEO Hadley Mariano.

Ang 6-man Titans team ay binubuo ng 2 beteranong bilyarista na si team captain Albert Espinola at Allen Solsona katuwang ang mga new kids in the block na sina Mars Quizon,Joshua Casimilo,Michael Quinay at Rogelio Lantad.

Handa namang sumagupa ang mga hari sa tumbukang Paranaque Kings na sina Romel ' Romel Silang' Omay,Dart ' The Musketeer' Bormode, Mark Cloyd ' Pateros' San Pedro , Greg 'Olongapo' Dira, Eric ' Calamba' Navarette at Reynel ' Slim Reaper' Selinel.

Ang Makati at Paranaque ang bagong pasok sa SBA 2 na sasabak din sa apat na pioneering teams na Taguig Stàlions, Quezon City Dragons, Manila MSW Mavericks at Negros Occidental Pillars.

Nitong nakaraang Lunes ( Nob.17) ay pormal na binuksan ang Season 2 ng pro - billiards league na SBA na may basbas ng Games and Amusement Board.

Agad na nagpakitang gilas ang Quezon City matapos blankuhin ang defending champion Taguig Stallions, 5-0 sa ķanilang bakbakan mula Nob.17 hanggang 21.

Matapos naman ang ratratan ng Titans at Kings (Nob.24 -28) ay makaka-engkwentro ang Manila vs Negros sa Disyemre 1-5.

Ang round robin forrmat ay pagtutunggalian sa kabuuang 21 linggo at ang lahat ay tutumbok sa Sharks Arena.

'Patuloy nàting sundan ang mga klasikong bakbakan dito sa ating pro-league SBA 2. No dull moment at patuloy ang 'sharkingan sa bawat laban", wika ng dating varsity billiards player na si Mariano.