IN GOD WE TRUST

BARMM ATHLETES NG PILIPINAS HANDA NA SA BAKBAKANG BIMP-EAGA SA MALAYSIA

MATAPOS ang puspusang pagsasanay at komprehensibong paghahanda, battle-ready na ang pambatong magigiting na atleta ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na sasabak sa Malaysia sa Nobyembre 23-27,2026.

SPORTS

ni Danny Simon

11/10/20261 min read

MATAPOS ang puspusang pagsasanay at komprehensibong paghahanda, battle-ready na ang pambatong magigiting na atleta ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na sasabak sa Malaysia sa Nobyembre 23-27, 2026.

Ayon ka BARMM Pencak Silat head coach Jamel Hussein Marohombsar. NLP, ang koponang BARMM ay kinabibilangan nina Juhair Amaikurot, Edris Elias,Wezam Bokari, Abdul Hakim Baro at Sodaizul Mordiffin Marohombsar ( silver medalist Batang Pinoy Gensan 2025) habang ang team manager ay si Benjamin Alangca.

Ang misyon ng BARMM delegasyon ay todo suportado ng Bangsamoro Sports Commission magmula sa transportation, airfare, medical, kagamitan hanggang meals at akomodasyon na kinumprma ni Executive Director Salim Wardi B. Alba.

Bukod sa BARMM, ang Pilipinas ay may kinatawang koponan din mula Davao, Puerto Princess, at General Santos City na sasabak sa BIMP-EAGA 2026 Kota Kinabalu, Malaysia Friendship Games at pagtutunggalian ang mga sports na Archery, Athletics, Badminton, E-Sports, Karate, Lawn Bowls, Pencak Silat, Sepak Takraw at Swimming.

Ang tropang BARMM ay sasabak din sa parating na Barang Pinoy Games sa Bacolod City sa susunod na buwan ng Disyembre.

Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.

#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City

Contact us:

09451935742
dasgilas010@gmail.com

Office Hours: 8am-5pm

To God Be the Glory

since 2023

Editor-In-Chief: Danny Simon

Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com

Write your text here...

Write your text here...

Your message goes here