BARMM GOLD MEDAL SA BATANG PINOY GENSAN'25

GENERAL SANTOS CITY-Tunay na mabilis ang karma. Matapos na matapyas ng BP technical committee ang buwenamano sanang gold medal sa regu category ng pencak silat at napunta sa frontrunning Team Pasig, maugong at matamis ang balik ng magandang kapalaran nang silatin ni Lanao Del Sur bet Abdul Zhuljalales Macapaar ang katunggaling Pasigueño, 21-6 sa category F. Tanding Novice male ng Batang Pinoy National Championship GenSan 2025 pencak silat Huwebes ng hapon sa SM Activity Center dito.

SPORTS

Ni Enjel Manato

10/30/20252 min read

GENERAL SANTOS CITY-Tunay na mabilis ang karma.

Matapos na matapyas ng BP technical committee ang buwenamano sanang gold medal sa regu category ng pencak silat at napunta sa frontrunning Team Pasig, maugong at matamis ang balik ng magandang kapalaran nang silatin ni Lanao Del Sur bet Abdul Zhuljalales Macapaar ang katunggaling Pasigueño, 21-6 sa category F. Tanding Novice male ng Batang Pinoy National Championship GenSan 2025 pencak silat Huwebes ng hapon sa SM Activity Center dito.

Ang one-sided na bakbakan ay nagbalik sa medal haul ng koponang suportado ng Marawi City government sa 1 gold- 2silvers at 1 bronze na isa nang tagumpay dahil sa unang paglahok nila sa naturang grassroot sports. development na inorganisa ng Philippine Sports Commission ay naging mabunga ang kanilang kampanya.

"Abdunillah!This is the first time to win the gold by Bangsa Moro Region", buong kagalakang wika ni Lanao Del Sur team manager Dir.Benjamin Alangca na nagpasalamat sa lahat ng sumuporta sa kanilang misyon sa GenSan. " Next year we will win more medals for the Warriors of the Lake".

"This is for the people of Lanao ànd also for the Maranao.We strike hard for this gold medal not for our fame and money but for our people,"sambit ni head coach Jamel Hussein Marohombsar na nagpasalamat ng buong puso sa General Santos City government at sa PSC.

" Pinapangarap namin ito, iaangat namin sa national hanggang international. Mabuhay ang Lanao Del Sur, ang BARMM at buong Pilipinas! ", buong pagmamalaking pahayag ni coach Amir Hussain Macapaar.

ONE FOR ALL, ALL FOR ONE!

Pencak Silat gold medalist Abdul Zhuljalales Macapaar