Baseball Gold sa 33rd SEAGames 2025 …KAHARIAN BUONG GITING NA IPINAGLABAN NG PILIPINAS SA THAILAND
BAON ang motibasyon at determinasyong makabayan, di hinayaang maagaw ng kalaban ang idinidepensang titulo pampalakasan ng mga mandirigmang Pilipino sa diamond larangan ng baseball sa rehiyon ng Timog- Silangang Asia.
SPORTS
Ni Danny Simon
12/13/20252 min read


BAON ang motibasyon at determinasyong makabayan, di hinayaang maagaw ng kalaban ang idinidepensang titulo pampalakasan ng mga mandirigmang Pilipino sa diamond larangan ng baseball sa rehiyon ng Timog- Silangang Asia.
Sa unang patuntong ng Pinoy batters sa diamond ay naghatid agad ng maugong na mensahe ang Philippine national men’s baseball team matapos nilang bokyain ang mapanganib na Indonesia 14-0 sa paghataw ng 33rd Southeast Asian Games Thailand 2025 sa Queen Sirikit Sports Center, Bangkok sa Thailand.
Kasunod na naging biktima ng Pilipinas ang Singapore,Malaysia bago ang kanilang matinding laban sa torneo pero naungusan ang host Thailand .8-7 na nagmistulang kampeonato na ang bakbakan
Kasunod nito ang pagmasaker sa di pa sumisikat na bansang Laos upang i-sweep ang preliminary round na nagbigay- daan sa muling paghaharap ng #1 Pilipinas at #2 Thailand sa kanilang battle for goldmedal.
Pinaghandaan ng defending champion ang anumang balakid at tangkang matanggalan ng korona bukod da kalabang may rude hostile crowd sa Bsngkok pati na ang kalabang ni-reinforce pa ng walong Thai Americans ay buong giting nilang sinilensiyo ang tunog ng bat ng Thais at matagumpay nilang napanatili ang SEAG gold medal.


“ Pinatunayan lang nila na ang kampeonato noong nakaraan ay dahilan sa Pilipinas ito ginanap . Matamis na panalo natin ngayon sa lupain ng mortal na karibal na Thailand. Hats off sa ating Pinoy batters!," pahayag ni PABA secgen Mike Asuncion kasabay ng pasasalamat niya sa todo suporta nina POC President Cong. Bambol Tolentino at PSC Chairman Pato Gregorio.
Ang tagumpay ay mula sa pinagsamang lakas ng pambato ng Philippinè team na binubuo nina Erwin Bosito,Joerend Altrejos,Mark John Philip Beronilla,Clarence Lyle Caasalan,Mar Joseph Carolino,Amoel de Guzman.Liam Alexei de Vera,Junmar Diarao,Francis Thomas Gonzaga , Cer Glo Corpido,Romeo Jasmin, Jr., Ferdinand Liguayan,Jr., Juan Pablo Macasaet, Mark Steve Manaig, James Vincent Nisnisan, Nigel Paule,Joshua Pineda,Samuel Renato, Jr.Razhley Santos, Kennedy Torres, at John Raymond Vargas sa timon nina coaches Orlando Binarao,Iking Jimenez at Joseph Orillana.
Photo by: Norman Macasaet


Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09451935742
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato
