BASH'AGULERO LAGOT KAY PANDEMIC HERO!
TUNAY na may mga pakawala sI 'taning sa mundong ginagalawan natin.
OPINION
Danny Simon
2/8/20243 min read


TUNAY na may mga pakawala sI 'taning sa mundong ginagalawan natin.
Sila iyong mga kampon ng kasamaan na galit at inggit sa taong gumagawa ng kabutihan sa kapwa.
Klasikong halimbawa ay iyong mga walang magawa kundi punahin,
putaktehin, gibain ang mabuting hangarin ng isang kampeon sa kanyang unique na paraang di naman magagaya kahit gustuhin ninuman.
May mga ungas na inggit lang sa estilo ng kanyang pagtulong na isang maangas para sa kanila lalo pa't nasosopla ang mga nambabasag na mga bangag.
Me 'k namang mag-angas si Dr. Francis Leo Antonio Marcos PhD dahil kaya niya at me ipagyayabang na mina ng ginto ng kabutihan eh silang mga tutulero ay zero.
Silang mga diyabols na walang yagbols. Puro hanap-butas ang hanapbuhay sa pamba-bash sa tao ng mga linsyak na hayop sa damo.
Ilang nilalang ang natutulungan ni Apo FLM gabi-gabi at araw-araw na ginawa ng Maykapal na ang resibo ay kitang-kita sa FLM live pero may mga damonyus na master peyknyus ang maninira pa at itinitindi ng kanilang inis ay di sila pinapatulan kahit below da belt na ay wa-epek pa.
Mga klasikong sampol na pambasag ng kabutihan ng mga balasubas na basher: ..FLM, puwede humingi ng tulong ibili ko lang ng kotse ang boyfriend ko dahil nagbibisikleta lang siya pagpasok sa trabaho..', (sarap boldyakin kung kaharap mo lang ang hitad);...FLM pautang ng 3 milyong puhunan sa aking munting negosyo..(pautanginang iyan.. sarap tadyakan in person);...FLM, gusto ko rin tumulong, meron ako isang milyong piso ibibigay sa yo sabihin mo lang kung paano (tutok mo batok mo dito sa Uppercut para malaman mo kung paano ang sira ang ulong balasu'bash' tulad mo na gusto lang ma-BADtrip ang GOOD man).
Si FLM ay tumutulong mula sa kanyang kwartamoneda at di niya kailangan ang donasyon di tulad aniya ng ilang malalaking network na nanghihingi para sa kanilang 'foundation' daw na mistulang tuwang-tuwa pa pag may sakuna.
Marami pang klasikong tulad nilang walang bait sa sarili na di kayang makakita ng taong gumagawa ng mabuti. Buti na lang tapal agad sila ng defense minister ng Department of HELP ni FLM.
Ang tanging babala sa kanila ng humanitarian champ na kapag nag-krus ang kanilang landas ay bubunutin lang ang tutsang sa ilong at buhok sa kilikili tapos ay ipangunguya ng may sili at luya.. bash pa more, gagawin nya yan, di ba dj Lemmor at prez. Dong Batalan?...
ABANGAN!
Lowcut: Coming very soon ang noble advocacy ng inyong lingkod na Free Arts Lesson at Sports Clinic para sa mga Tarlacqueño kids. Isang payak na pamamaraan upang maturuan sa larangan ang mga bata na kapag natuto ay puwede na nilang maging livelihood sa hinaharap at matupad ang mga munting pangarap. Ang layuning ito ay magtatagumpay dahil sa suporta ng mga kaibigang heneroso na maalwan ang estado at pamumuhay.
MABUHAY!
Shoutout sa mga ka- FLM worldwide sa pangunguna ni FFCI pandaigdigang pangulong Dong Batalan. Admin Alyssa Dy at mga very trusted men na sina BhonBhon, Bennoks at kay dj Lemmor CreAtion (ang tinig ng DrFLAM) kina Sonnie Aguilar,Jr., Sameera Aguilar ng FFCI Dubai, Clarita Dimayuga FFCI Laguna, Emz Pascual FFCI HK, Lorry Pasicolan FFCI VP Taiwan, Nina Fruscio, Sharon Judan Pajarito FFCi Macau, Jason Agoncillo-FFCI Mindoro Oriental, Janice Pascua, Wilma Masapol FFCI Abu Dhabi, Thelma Gumpac, Ivy Escalante, Jocelyn Sanchez, Jocelyn Marcos Aceres, Helen Marcos, Teresita Valera Martinez, Melita Quilates, Doc Santos, Liway Ancheta Tugade, Rheabelle Olunan,Whem Villacruses, Salve Balaoro ng Singapore FFCI,Thess Fernandez ng Canada, Liza Ninada Alvarez,Vincent Cedana FFCI USA,Karen Whitmore, Venus Buenavista, Maya Lhea Binamira FFCI Japan,Janeth Agungay Barona, Rima Agongay Dayag, Gabriel Bautista Sano at Tarlacqueña Rosaline Lemee ng FFCI Switzerland.Of course Happy Birthday kay Se Mi Di Speranza Foundation chairman Chilitita Cabatingan, all the best M'dam. NAGPUPUGAY!
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato