BASKETBALL IS LIFE KAY ARKI JAYZEE

IBANG klase ang pagmamahal sa larangan ng basketball ni businessman/ sportsman Ar Jayzee Gudelano Celestial.

OPINION

4/28/20242 min read

IBANG klase ang pagmamahal sa larangan ng basketball ni businessman/ sportsman Ar Jayzee Gudelano Celestial.

Magmula pagkabata ay naglalaro na siya partikular sa kanyang balwarte sa Bacolod. Ang kanyang built ay tunay na pambasketball sa tangkad at tindig.

Kung ninais niya lang na mapokus ang kanyang atensyon sa basketbol,malamang na isa na siya sa legends ng pro- league pero mas nangibabaw ang pagaaral o akademya habang libangan na lang niya ang sport.

Naging matagumpay siya sa kanyang pinili bilang arkitekto na very juicy na propesyon hanggang maitatag niya ang kanyang kumpanyang JC2 Architecture Studio( Design and Built )na umaapaw ang mga proyekto sa iba't- ibang panig na bansa.

Isang panghabambuhay na opisyo at nakakapagbigay pa ng trabaho sa kababayang Pilipino. Ang basketball kasi o ibang sports ay habang bata lang ito angkop sa aspeto ng kabuhayan.

Pero kahit nasa rurok na ng tagumpqy sa negosyo si Ka Jayzee, nananalaytay pa rin ang kanyang pagmamahal sa basketball. Dahil di lang personal na galak ang nadarama niya kapag naglalaro nito kasama ang tropang negosyante rin kundi dito rin nagsasara ang mga transaksyon sa negosyo tulad din ng golf atbp.

Hanggang sa nakapagtatag siya ng isang basketball team na lumalaro sa mga legit na liga tulad ng Sinag Liga Asya Lakas Kwarenta kung saan ay namamayagpag ngayon ang koponan niya na kinabibilangan nina Joeward Gayas Jamil, Daniel Martinez.Jerry Sison ,Umbert Rubio, Geoff Gonzales at iba pang astig na Slashers sa timon ni coach Anzai at kanyang assistants.

Ang tagumpay ni team bossing Jayzee sa negosyo ay kanyang naisi-share tulad na lang ng oportunidad para sa mga manlalarong ang buhay ay basketball. Saludo ang korner na ito sa mga tulad ni Arkitek Celestial na may noble endeavour na makatulong sa kapwa at mga manlalaro ng basketball...SANA ALL!

*****

HETO NA NAMAN ANG RED CROSS

SA ating pagkakaalam,ang Philippine National Red Cross sy isang tanyag at legit na institusyong kusang dumarating ang pondo kaya di na kailangan pang mistulang namamalimos sa may ticket booth ng MRT -LRT Stations na matagal na nilang ginagawa pero naputol lang ng pandemya.

Ngayon heto na naman sila na nanghihingi ng donasyon sa mga pobreng pasahero na bawat sentimo ay mahalaga. Malapit na naman ang eleksyon..duda tayo kung sa red cross napupunta ang malaking limos este kolekta. Busisiin ito...ABANGAN! Para sa reaksyon... #09395584762.