BASKETBALL PROGRAM NI ARKI JAYZEE, DRIBBLE- SHOOT & SCORE PA MORE AFTER 2024

TULUY-tuloy ang pag-dribble, shoot and score ng JC2 Slashers basketball sa papasok na taong 2025.

SPORTS

Danny Simon

12/21/20242 min read

TULUY-tuloy ang pag-dribble,shoot and score ng JC2 Slashers basketball sa papasok na taong 2025.

Tunay na matibay ang pagmamahal sa larangan ng basketball ni businessman/ sportsman Architect Jayzee Gudelano Celestial kung kaya mapalad ang mga batikan na at kabataang maging bahagi ng kanyang adbokasiya sa larong pinakamalapit sa puso ng bayang basketbokista.

Ang kanyag built at tindig ay tunay na naka-padròn bilang isang cager kaya magmula pagkabata ay naglalaro na siya nito partikular sa kanyang balwarte sa Bacolod.

Kung ninais niya lang na mapokus ang kanyang atensyon sa basketbol,malamang na isa na siya sa legends ng pro- league pero mas nangibabaw ang pagaaral o akademya habang libangan na lang niya ang sport.

Naging matagumpay siya sa kanyang pinili bilang arkitekto na isang very juicy na propesyon hanggang maitatag niya ang kanyang kumpanyang JC2 Architecture Studio (Design and Built) na umaapaw ang mga proyekto sa iba't ibang panig ng kapuluan.

Isang panghabambuhay na opisyo at nakakapagbigay pa ng trabaho sa kababayang Pilipino. Alam niya na ang basketball kasi o ibang sports ay habang bata lang ito angkop sa aspeto ng kabuhayan.

Pero kahit nasa rurok na ng tagumpqy sa negosyo si Ka Jayzee, nananalaytay pa rin ang kanyang pagmamahal sa basketball. Dahil di lang personal na kagalakan ang nadarama niya kapag naglalaro nito kasama ang tropang negosyante rin kung saan ay sa kanilang camaraderie din nagsasara ang mga transaksyon sa negosyo tulad din ng golf atbp.

Sa kanyang determinasyon, naitatag niya ang isang basketball team na lumalaro sa mga legit na liga tulad ng Sinag Liga Asya Lakas Kwarenta,International Friendship Basketball League kung saan ay namayagpag ang koponan niya na kinabibilangan nina Joeward Gayas Jamil, Daniel Martinez, Jerry Sison, Umbert Rubio, Geoff Gonzales at iba pang astig na Slashers sa timon ni coach Anzai at kanyang assistants.

Ang tagumpay ni team bossing Jayzee sa negosyo ay kanyang naisi-share tulad na lang ng oportunidad para sa mga manlalarong ang buhay ay basketball. Saludo ang korner na ito sa mga tulad ni Arkitek Celestial na may noble endeavour na makatulong sa kapwa at mga manlalaro ng basketball...sana all!, basketball pa more beyond 2024.