'BATA' REYES YALIN 10-BALL OPEN C'SHIP KASADO NA SA MANDALUYONG
TAGINTING na dalawang milyong piso ang nakalaan para sa mga magpapakitang -gilas sa idaraos na Efren ‘Bata Reyes Yalin 10-Ball Open Championship na sasargo sa Siyudad Mandaluyong sa Agosto 27 hanggang 30 , 2025.
SPORTS
NI Danny Simon
8/15/20251 min read


TAGINTING na dalawang milyong piso ang nakalaan para sa mga magpapakitang -gilas sa idaraos na Efren ‘Bata Reyes Yalin 10-Ball Open Championship na sasargo sa Siyudad Mandaluyong sa Agosto 27 hanggang 30 , 2025.
Ayon sa organisador ng torneong nakapangalan sa alamat ng billiards na si The Magician Efren ‘Bata Reyes ang torneong suportado ni international pool champion at premyadong public servant Kap.Marlon ' Marvelous Manalo ng Bgy. Maĺamig ng naturang lungsod. lbubulsa ng tatanghaling kampeon ang isang milyong piso habang nahahati sa iba pang winners ang natitirang isang milyon.
“The tournament will be conducted in progressive with specific rules applied at each round”,ayon sa kinatawan ng Yalin Efren Bata Reyes Cue Club.
Ang players meeting ay gaganapin sa Agosto 26 at ang deadline ng registration ay sa Agosto 22 na may entry fee na P3,500.
Rerepeke ang sarguhan sa Lower Ground Floor, Worldwide Corporate Center. Shaw Blvd., Mandaluyong City.
Para sa dagdag detalye, kumontak sa #09650767678.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato