IN GOD WE TRUST

'BATANG ATLETA' SUPORTADO NG PCUP

NAGPAHAYAG ng todo- suporta si Philippine Commission for the Urban Poor( PCUP) Commissioner Reynaldo Galupo sa proyektong 'Batang Atleta' na nationwide ang konsepto.

SPORTS

DANNY SIMON

8/16/20262 min read

NAGPAHAYAG ng todo- suporta si Philippine Commission for the Urban Poor (PCUP) Commissioner Reynaldo Galupo sa proyektong 'Batang Atleta' na nationwide ang konsepto.

Ang 'Batang Atleta' na itinatag ni RJ Rodriguez 'James Lagan, isang dating atleta, coach at kasalukuyang event organizer particular sa kanyang balwarte sa Palawan.

Layon ng 'Batang Atleta' ni Lagan na makatuklas ng mga atletang kabataang may potensyal mula sa sektor ng mga maralitang taga- lungsod maging taga- rural sa buong kapuluan upang maiangat ang kanilang pamumuhay at matupad ang ambisyon sa pamamagitan ng sports o larangan ng palakasan.

Ayon Kay PCUP Comm. Galupo, angkop ang ' Batang Atleta' sa kanilang programa para sa kapakanan ng urban poor kaya sa kanyang pagnanais na masuportahan ang noble project na 'Batang Atleta' ay kanyang hihimukin ang mga kinauukulan particular ang mga taga - pamahalaan na tangkilikin ang proyekto para sa kapakanan ng mga batang potesyal na maging atleta sa kalaunan ay maghahandog na ng karangalan sa bansa.

Saklaw ng ' Batang Atleta' ang mga sports disciplines na athletics, swimming, arnis, team sports, combat sports at pet sport ni Lagan na dragonboat( siya ang may timon sa koponang West Philippine Sea na humakot na ng karangalan sa larangan.

Si Comm. RPG ay dating colleague ng Uppercut sa sportswriting fraternity, kabasketbolan, katakbuhan at ka golf-golp- gulp noong aming prime kaya napakalapit ng ka nyang puso sa sports at mga atleta.

SALUDO ang korner na ito kay Commissioner GALUPO.. Mismo!

Katuwang ni Batang Atleta head James Lagan ang pangunahin niyang opisyal na si Artemio Amato na nagtuturo ng arnis sa maraming kabataang taga urban poor sa Luneta kada weekend. Of course si champ Rene Catalan ng Catalan Fighting System, Philippine Encounter Championship at founding chairman ng Sudokwan Assn., Inc sa bansa na worldwide ang destinasyon. PUGAY!

Suportado ni PCUP Commissioner Rey Galupo( ikalawa mula kanan) ang programang Batang Atleta ni RJ Rodriguez 'James Lagan, Nasa larawan sa naturang courtesy call si Artemio Amato ng Batang Atleta,journalist Danny Simon at CS Dianne Santos.

Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.

#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City

Contact us:

09451935742
dasgilas010@gmail.com

Office Hours: 8am-5pm

To God Be the Glory

since 2023

Editor-In-Chief: Danny Simon

Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com

Write your text here...

Write your text here...