BATANG PINOY 2025 GENSAN PUGAY KAY PSC CHAIRMAN

WALANG kapaguran ang mababakas kay Philippine Sports Commission Chairman Pato Gregorio nang makakuwentuhan ng korner na ito kahapon sa kanyang pakikihalubilo at fellowship sa mga miyembro ng local at national tri- media sa Press Center ng Bataņg Pinoy Gensan 2025 National Chàmpionship sa Lagao Gym ng General Santos City.

SPORTS

10/26/20252 min read

WALANG kapaguran ang mababakas kay Philippine Sports Commission Chairman Pato Gregorio nang makakuwentuhan ng korner na ito kaninang umaga sa kanyang pakikihalubilo at fellowship sa mga miyembro ng local at national tri- media sa Press Center ng Bataņg Pinoy Gensan 2025 National Chàmpionship sa Lagao Gym ng General Santos City.

In high spirit ang workaholic chairman dahil sa tagumpay ng pambungad seremonya ng annual grassroot sports development na kaganapang handog para sa mga kabataang potensyal na magiging bayani ng bayan sa aspeto ng palakasan sa malapit na hinaharap.

Kahit na gaano katindi ang tinahak ng kanyang liderato mula sa preparasyon hanggang kahapon upang matiyak ang

success ng grandiest sportsfest ng mga kids at their best ay all the best ang kanyang kondisyon bilang timon ng naturang sports program for a cause. Pumarada ang nasa 18,623 batang atleta mula sa 188 na local government units( LGU's) sa en grandeng pambungad seremonya ng Batang Pinoy National Championship Gensan 2025 sa Acharon Sports Complex dito .

Kabilang din sa makulay na seremonya ang 4,397 coaches at 1,260 sports officials na nagmartsa sa oval sa harap ng libu-libong entusyastiko na dumagsa sa grandstand at mga VIP’s ng kaganapan.

Sa pangunguna ni Philippine Sports Commission Chairman ‘Pato - organisador ng naturang grassroot sports development event at Mayor Lorelie Geronimo Pacquiao ng host General Santos City, binigyang-ningning ang makasaysayang kaganapan sa Mindanaoa nina Department of Interior and Local Government Secretary Johnvic Remulla na kumatawan kay PBBM, Tokyo Olympics gold medalist weightlifter Hidilyn Diaz-Naranjo at 8-world division champion ,Filipino boxing icon Manny Pacquiao na taga General Santos City mismo.

“ Simple lang ang mensahe ko sa inyong lahat , Ang Batang Pinoy ay regalo ng pamahalaan sa pama.agitan ng ating Pangulong Bongbong Marcos na aming hinahandog mula sa inyong PSC katuwang ang DILG at iba pang departamento ng gobyerno”,wika ni Gregorio sa kanyang talumpati. Tibapos ang seremonya ng isang grand concert ng mga naimbitahang batikang banda sa bansa at tinampukan ng bonggang fireworks display para sa nightcap.

Lalarga na rin ngayon ang higit sa 20 disciplines ng kaganapang magtatapos sa Oktubre 31.

Magdedepensa ng titulo pangkalahatan ang Pasig City na may pinakamaraming bilang ng mga atleta nito upang maseguro muli ang kampeonato.

Hinimok naman ni Pato ang mga LGU's sa buong bansa na lumahok pa sa naturang kumpetisyon sa hinaharap at thumbs up naman siya sa mga namamayagpag ng LGU's na nagbibigay ng kaukulang insentibo sa kanilang atletang nakakasungkit ng gintong medalya.

Nakatakda pang libutin ni Chairman ang Kamindanaon upang inspeksyunin niya mismo ang mga sports hub na dapat nang mai- angat parà maging state-of- the -art venues na bahagi ng kanyang priority sports infra projects sa kanyang timon.

Yan si Chairman Pato..no dull moment..PUGAY at MABUHAY!