Batang Pinoy Athletics..GINTO KAY TORRES NG TARLAC, PABLITO BAGONG GOLD MEDALIST

GENERAL SANTOS CITY-Itinala ni Rich Justin Torres ang buwenamanong gintong medalya sa day one ng mga aksiyon sa athlêtics sa lumargang Batang Pinoy Gensan 2025 National Championship Linggo ng umaga sa Acharon Sports Complex dito.

SPORTS

ni Enjel Manato

10/26/20251 min read

GENERAL SANTOS CITY-Itinala ni Rich Justin Torres ang buwenamanong gintong medalya sa day one ng mga aksiyon sa athlêtics sa lumargang Batang Pinoy Gensan 2025 National Championship Linggo ng umaga sa Acharon Sports Complex dito.

Si Torres na pride ng Tarlac ay pumukol ng waging distansya ng 14 .01 meters upang tanghaling gold medalist sa shotput athletics event .

Dikit na segunda si Kharl Allen Ecija ng Bago City na may distansyang 13.58 upang saklitin ang silver medal habang nakuntento naman sì CJ Clark Lopez ng Caloocan City na may layong 13.25m para sa bronze medal.

Sa discus throw ng grassroot sports program event na inorganisa ng Philippine Sports Commission sa pamumuno ni Chairman Patrick ' 'Pato Gregorio at ini-host ng General Santos City na pinamamahalaan ni Mayor Lorelie Pacquiao, at event co-presenter ng Yakult, Milo, Summit Drinking Water, Cynergy Artworks at POcari Sweat, pumukol ng golden throw si Divine Andrea Pablito ng Bago City sa panalong discus throw nito na umabot sa 32.10 meters bilang bagong reyna na gold medalist sa womens division.

Si Pablito ay sinundan ni Trisha Gaile Nailla ng Maasin City bilang silver medalist sa kanyang 31.26 na pukol habang si Gwenn Julia Salac ng Tarlac ay sumaklit ng bronze medal sa kanyang markang 30:05

Rich Justin Torres (GOLD-TARLAC) Photos by Bro Henry V.

Divine Andrea Pablito (GOLD-BAGO CITY)