Batang Pinoy Gensan 2025..LET THE GAMES BEGIN!

GENERAL SANTOS CITY-Pumarada ang halos 19,000 batang atleta mula sa 188 na local government units sa en grandeng pambungad seremonya ng Batang Pinoy National Championship Gensan 2025 sa Acharon Sports Complex dito .

SPORTS

Ni Enjel Manato

10/25/20252 min read

GENERAL SANTOS CITY-Pumarada ang halos 18,927 batang atleta mula sa 188 na local government units sa engrandeng pambungad seremonya ng Batang Pinoy National Championship Gensan 2025 sa Acharon Sports Complex dito .

Kabilang din sa makulay na seremonya ang 4,397 coaches at 1,260 na sports officials na nagmartsa sa oval sa harap ng libu-libong entusyastiko na dumagsa sa grandstand at mga VIP’s ng kaganapan.

Sa pangunguna ni Philippine Sports Commission Chairman Patrick ‘Pato Gregorio - organisador ng naturang grassroot sports development event at Mayor Lorelei Geronimo Pacquiao ng host General Santos City, binigyang-ningning ang makasaysayang kaganapan sa Kamindanaoan nina Department of Interior and Local Government Secretary Johnvic Remulla, Tokyo Olympics gold medalist weightlifter Hidilyn Diaz at 8-world division champion, Filipino boxing icon Manny Pacquiao na taga General Santos City mismo.

“ Simple lang ang mensahe ko sa inyong lahat, Ang Batang Pinoy ay regalo ng pamahalaan ng ating Pangulong Bongbong Marcos na amin hinahandog mula sa inyong PSC katuwang ang DILG at iba pang departamento”,wika ni Gregorio sa kanyang talumpati.

PSC Chairman Patrick 'Pato' Gregorio

City Mayor Lorelie Geronimo Pacquiao

Symbolic torch lighting by Manny Pacquiao and Hidilyn Diaz-Naranjo. (Photos by Bro Henry V.)

Sinundan ang grandeng seremonya ng concert ng mga naimbitahang batikang banda sa bansa na tinampukan ng bonggang fireworks display. Tampok na event ngayong umaga ang unang gold sa athletics.

Lalarga na rin ang higit sa 20 disciplines ng kaganapang magtatapos sa Oktubre 31. Magdedepensa ng titulo pangkalahatan ang Pasig City.