Batang Pinoy Gensan 2025…PAYANIG NA ANG PASIG, BINABAGYO ANG BAGUIO
GENERAL SANTOS CITY-Habang papalapit na ang pagtiklop ng kurtina ng mga kumpetisyon dito sa Batang Pinoy National Championship Gensan 2025 ay nagpayanig na ng buong lakas ang defending overall champion Team Pasig sa layong mapanatili ang kanilang titulo.
SPORTS
ni Danny Simon
10/30/20251 min read


GENERAL SANTOS CITY-Habang papalapit na ang pagtiklop ng kurtina ng mga kumpetisyon dito sa Batang Pinoy National Championship Gensan 2025 ay nagpayanig na ng buong lakas ang defending overall champion Team Pasig sa layong mapanatili ang kanilang titulo.
Kumolekta na sa homestretch ng 22 gold medals,14 silvers, 23 bronzes at potensyal pa itong madagdagan ng kanilang goldmine sports sa huling araw ng bakbakan dito sa Gensan.
Humulagpos ang kapit sa liderato ng Baguio pero matindi pa rin ang hawak sa pananalanta ng kalaban kung saan ay matatag ito sa segunda sa pangkalahatang tayo sa kaganapang inorganisa ng Philippine Sports Commission( PSC) sa pamumuno ni Chairman Patrick ‘Pato Gregorio at ini-host ng General Santos City sa liderato ni Mayor Lorelie G. Pacquiao.
Ang naturang summer capital Baguio na bagyo ang dating sa tuna capital na Gensan ay may likom na 19 golds 13 silvers at 16 bronzes at posibleng makahila pa ng sorpresa sa huling sandali ng paligsahan para sa karangalan..
Dikit na tersera ang Manila ni MASCO chief Dale Evangelista sa kanilang 18-18-16 gold-silver -bronze tally at nais namang sumalisi ng Kyusi na may 15-16-21 habang malayo nang mangibabaw ang Davao na may 14-17-26.
Rounding the top ten ay ang Santa Rosa( 14-12-8, Zamboanga(13-8-3), Cebu( 9-9-6), host Gensan(8-7-4) at Muntinlupa(6-6-2).
Kahanga -hangang isipin na sobrang matagumpay ang isang linggong sports conclave para sa mga batang atleta na nagtipon dito na walang anumang aberya dahil sa mahusay na liderato ng host Gensan ni Mayor Pacquiao at smooth systems operation ng PSC ni Chair Pato, project Director Comm Bong Coo at ni E.D. Atty. Guillermo Iroy katuwang whole PSC staffs dito. Op kors saludo ang korner na ito sa Kapulisan ay Kasundaluhan ng Gensan dahil sa pagiging mapayapa ng lungsod na naging home away from home ang lahat ng bumisita dito mula sports community ng bansa. Gayundin sa GSC PIO partikular kay G. Rombel S. Catolico sa mahusay niyang estima sa lokal at national tri- media dito sa Lagao Press Center. Pugay sa lahay ng naging bahagi ng matagumpay na grassroot sports devopment at Sports Tourism. PALARO SA GENSAN 2026?..WOW!
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09451935742
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato
