BATANG PINOY:TEAM MANILA HIGIT 200 ATLETA ANG LALABAN SA GENSAN

MAHIGIT sa 200 kabataang atleta ng Maynila ang magpapakitang-gilas sa kanilang pagsabak sa 2025 Batang Pinoy na aarangkada sa General Santos City sa Oktubre 23 ng taon.

SPORTS

ni Danny Simon

9/4/20251 min read

MAHIGIT sa 200 kabataang atleta ng Maynila ang magpapakitang-gilas sa kanilang pagsabak sa 2025 Batang Pinoy na aarangkada sa General Santos City sa Oktubre 23 ng taon.

Ayon kay Manila Sports Council Chairman Dale Evangelista,isa sa may pinakamalaking delegasyon angdadayong Team Manila na itinuturing na powerhouse na koponan kung saan ay di lamang pagsali ang hangarin kundi ay para tuparing maging overall champion sa paligsahang inorganisa ng Philippine Sports Comission sa liderato ni Chairman Patrick "Pato Gregorio at ihu- host ng General Santos City..

"itutuloy natin ang winning tradition ng Team Manila.Ngayon pa lang ready na ang mga bata. Our goal is to be on top once again lalo ngayon todo- suporta ang ating mahal na alkalde Mayor Isko Moreno ,"ani pa Evangelista, dating miyembro ng national polo team.

Inanunsyo rin ng MASCO head sa panayam sa kanyang pagdalo sa idinaos na Sports Stakeholders Meeting ng PSC sa Solaire nitong Setyenbre 2 ang planong pagbabalik ng Manila Youth Games (MYG) ,ang grassroot level sports competition na namayagpag noong bago pandemia.

Si MASCO chair Dale Evangelista sa panayam ni GilasNews Editor-in- Chief Danny Simon sa PSC Sports Stakeholder's Meeting sa Solaire kamakalawa.