Batang riders, patuloy na nagpapasiklab sa local motocross scene; Jao, proud sa husay ng mga young riders
Sa kabila ng murang edad at mga matinding preparasyon para sa mga karera, patuloy na bumibida sa mundo ng motocross ang mga batang riders na namamayagpag ngayon sa mundo ng local motocross scene.
SPORTS
6/26/20252 min read


Sa kabila ng murang edad at mga matinding preparasyon para sa mga karera, patuloy na bumibida sa mundo ng motocross ang mga batang riders na namamayagpag ngayon sa mundo ng local motocross scene.
Unti-unti nang kumikinang na ang mga pangalan nila sa mundo ng motocross ang mga batang riders na sina Prince Aaron Mata, 10 ng RFM Elective Drice, Amory de Vera, 9, ng Cleanfuel MX Team, Rio Alexander Remolacio, 11 at Roi Alexander Remolacio, 5 ng Remolacio Racing Team, Alexander Brando Gamboa, 5 ng Gamboa Racing Team at Niejel Ivan Torre, 14 ng Team Torre dahil sa natatanging nilang lakas ng kanilang harurot at kanilang ipinamalakas na galing sa pamamaneho ng motor sa loob ng motocross race track.
Sa "Usapang Sports" Forum ng Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS) sa Rizal Memorial Sports Complex, Manila, ibinahagi nila kung ano ang naging saloobin nila bilang mga matitikas na mga batang kampeon pagdating sa motocross sa kabila ng mga panganib.
"Kahit natakot man kami na nabalian man sa practice o nag-aadjust kami sa tracks depende sa panahon o sa CC namin, masaya po na unti-unti naming nakitaan ng progress namin.", pinagsamang reaksyon ng mga bata sa forum na sinuportahan ng Philippine Sports Commission, Pocari Sweat at Behrouz Persian Cuisine.
Ikinagalak naman nila na kahit bata pa at ang ilan sa kanila ay naimpluwensyahan ng mga ama nila na mga kapwa motocross riders at coaches ay nagbunga na ang kanilang malaki ang kanilang pinagbago ng kanilang buhay sa pagsabak nito sa mga motocross competitions gaya sa mga probinsya.
"Kumakarera kami sa mga iba't ibang parte ng Pilipinas lalo na sa Visayas at Mindanao at thankful po ako na nag-champion ako sa mga iba't ibang competitions kahit may times na nasemplang ako at umabot ako hanggang runner-up finish.", sinabi ni Rio Alexander.
Para naman kay Jasmin Jao na isa sa mga tinitingalang mga babaeng motocross riders sa bansa, dagdag motivation sa kanya na makita ang mga batang motocross champions gaya niya.
"Nakakatuwa po na sobrang daming batang riders kahit lalaki o babae, maraming sumali ngayon at madami ring kategorya kasi nakakaengayo ang iba pa na isabak ang mga bata sa ganitong klaseng extreme sport kahit sa murang edad, ay pwede na sumali any bracket. Sa lahat ng gustong mag-ride ng motocross, itry niyo po kasi masaya po ito kahit risky nga lang, tiyak na tandaan na gustong mag-try kailangang mag-invest po sa proper training at all kasi di ito gaano kadali sa umpisa at talaga namang aralin niyo yung bawat parte ng pagmomotor, aralin mabuti at hindi basta't basta sumali.", sinabi ni Jao.
Sa ngayon ay focus muna si Jasmin sa kanyang trabaho na may kinalaman sa IT sa pag-recover sa kanyang injury sa tuhod na tinamo sa kanyang sinalihan na kompetisyon noong 2024 at inaasahan niya sa loob ng 5-6 na buwan ay papayagan na muli na makapag-training muli sa competition pero pursigido pa rin siya na matupad rin ang kanyang pangarap na makapaglaro sa international motocross tourneys.
"Pag fully recovered ako, pwede na ako mag-training at makapag-compete at hopefully para makisabay rin ako sa kompetisyon kasama ang mga kapwa lady riders na rin. Magiging sobrang thankful ako if papayagan ako mag-race internationally.", huling sambit niya.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato