Batang Riders, sasalang sa TOPS Usapan

Tampok ang mga batang motocross riders sa pagbabalik ng Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ ngayong Huwebes sa PSC Conference Room sa loob ng makasaysayang Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) sa Malate,Manila.

SPORTS

Abby Pamplona

6/25/20251 min read

Tampok ang mga batang motocross riders sa pagbabalik ng Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ ngayong Huwebes sa PSC Conference Room sa loob ng makasaysayang Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) sa Malate,Manila.

Pangungunahan ng premyadong lady rider na si Jasmine Jao ang mga matitikas na batang kampeon sa lingguhang sports forum ganap na 10:00 ng umaga sa pagtataguyod ng Philippine Sports Commission, Behrouz Persian Cuisine at Pocari Sweat.

Makakasama ni Jao para magbigay ng kanilang mga karanasan sa karera sina Prince Aaron M. Mata /10 years old (65cc and 85cc) ng RFM Electric Drive Racing team, Amory B. De Vera / 9 years old (50cc and Mini Ladies) ng Cleanfuel MX Team, Rio Alexander A. Remolacio/11 years old (65cc and 85cc) mula sa REMOLACIO Racing Team, Roi Alexander A. Remolacio/5 years old (PW50 and 50cc) ng REMOLACIO Racing Team, Alexander Brando B. Gamboa / 5 years old (PW50 and 50cc) Gamboa Racing Team at Niejel Ivan Torre / 14 years old (85cc, Novice Production and Intermediate Production) ng Team Torre.

Inaanyayahan ni TOPS president Nympha Miano-Ang ng pahayagang Bulgar ang mga miyembro ar opisyal maging ang mag sports aficionados na makiisa sa talakayan ng mapapanood din via livestreaming sa TOPS Usapang Sports Facebook page, Bulgar Sports, Sports Corner FB at sa Channel 8 ng TVC.