Bgy. 186 Zone 16 sa Maynila... KAPITAN JOHNNY BALANI IS DA MAN!

KUNG kakayahan ang pag - uusapan, walang dudang magiging mahusay na punong-barangay si public servant, sportsman, journalist at civic leader Johnny Balani.

BARANGAYAN

Enjel Manato

10/25/20231 min read

KUNG kakayahan ang pag- uusapan, walang dudang magiging mahusay na punong-barangay si public servant, sportsman, journalist at civic leader Johnny Balani.

Si JB ay aspirante para kapitan ng Bgy. 186 Zone 16 Gagalangin, Tondo sa Maynila ay prayoridad niya ang peace and order, health program, livelihood, kalinga sa senior citizens, at sports development para sa kabataan.

" Misyon kong tuparin ang vision ng aking mga ka-barangay na maging isang modelong lunduyan ito ng Manileño at isang progresibong komunidad ng mga peace loving at healthy ka-barangay," wika ng batikang lider barangay, dyarista, kolumnista, patnugot at broadcaster par excellence (Kap) Johnny Balani.

"Of course lahat ng ating pangarap at mabuting hangarin para sa ka-barangay ay matutupad kapag ipinagkaloob sa inyong lingkod ang kanilang basbas sa balota kasama na ang Team Balani na mga subok nang kandidato para Kagawad," ani pa Balani na popokus din sa clean ang green project, scholarship at ang pantay-pantay na kalinga lalo sa panahon ng kalamidad.

Wish ni Kap JB, pagsapit ng Oktubre 30, Team Balani sa balota. Go Johnny Go!