Billiards at Bowling panahon na para maisama sa Olympics

Congratulations sa lahat ng atletang Pilipino na sumabak sa Paris Olympics 2024. Mula kay double gold medal winner Caloy Yulo hanggang sa huling atletang Pinoy na lumaban. Lahat ay marapat lang na kilalanin at suportahan.

Atty. Ariel Inton

8/19/20241 min read

Congratulations sa lahat ng atletang Pilipino na sumabak sa Paris Olympics 2024. Mula kay double gold medal winner Caloy Yulo hanggang sa huling atletang Pinoy na lumaban. Lahat ay marapat. lang na kilalanin at suportahan.

Sa isang daang taon na pagsali ng Pilipinas sa Olympics ay tatlo na ang gintong medalyang napanalunan (isa mula kay Hidilyn Diaz ng weightlifting at dalawa kay Caloy Yulo ng gymnastics.

Pero alam nyo ba na may nauna na tayong gintong medalya sa bowling naipinanalo ni Arianne Cerdena.Yun nga lang not counted sa medal tally dahil demonstration sports lang ang bowling.

Ang dami rin world class billiards players na Pinoy. Sa larong ito puwedeng tapatan ng mga Pinoy ang world caliber players ng billiards. Pero dahil walang billiards sa Olympics ay walang medalyang nakukuha.

Sa totoo lang kung kasama bowling at billiards sa Olympics kayang i -dominate ng Pilipinas yan! Pero bakit nga ba wala?

Matagal nang nila-lobby ng mga international billiards at bowling associations afficionados na isama ang dalawang sports na ito.

Ang billiards daw ay do not comply with the definition of sports ayon sa International Olympics Committee. Ang bowling naman daw ay walang appeal sa younger demograhics at iba pa.

Duda tuloy ang korner na ito ay politika sa loob ang tunay na dahilan dahil yun mga Olympics powerhouse nations na walang panlaban dito ang humaharang na masama ang dalawang larangang ito.

Pero noon Paris Olympics ay sinama nila ang breakdancing. Sinama rin ang skateboarding sports climbing at surfing. Mga non' traditional sports. Kung sinama itong mga "larong ito". Bakit hindi ang bowling at billiards na "centuries old sports".

Kung maisama ang billiards at bowling ay marami rin malalakas na bansa ang makakaharap ng Pilipinas.

Panahon na para isama ang bowling at billiards. Sana inabot ito ng dalawang alamat natin. PAENG NEPOMUCENO sa bowling at EFREN BATA REYES sa billiards.