IN GOD WE TRUST

BILLIARDS ICON AMANG PARICA TO GO KAY BONG GO!

POOL icon Jose ' AMANG' Parica is in Manila!

SPORTS

DANNY SIMON

10/20/20262 min read

POOL icon Jose ' AMANG' Parica is in Manila!

Naka-staycation ngayon ang buhay na alamat sa larangan ng billiards mundial na si Parica na kilalang Amang,The King at Giant Killer.

Si US- based professional pool player Parica na tubong Maynila is in town upang maka-tumbukan personal ang kanyang mga buddy- buddy na naging world champions din tulad nina The Magician Bata Reyes et al na

na siyang pasimuno sa US invasion ng Filipino pool champs.

Si Amang Parica ay itinuring na isa sa best pool players at money players sa kasaysayan sa mundo ng billiards bago pa dumating ang isang dakilang alamat din sa katauhan ni Efren ' Bata Reyes na lalong nagpatibay sa pagkakilanlan sa mga Pilipino na da best at kinatatakutan sa larangang sinundan pa ng mga Django Bustamante,Marvelous Marlon Manalo, Ronnie Alcano,Robocop Orcullo ,Carlo Biado at marami pang ibang batikan na nanindak sa daigdig ng mga manunumbok at teribol sa velvet table.

Narito sa bansa ang 1987 Jakarta Southeast Asian Games Filipino 8- ball gold medalist at 9- ball singles world champion(1988) na si Parica holder ng record perfect TPA score na 1,000 pts sa isang race to 11 racks na walang naging mintis sa kabuuan ng laban noong dekada '90 ay wish din niyang makadaupang palad ang kanyang iniidolo as sports leader na si Senator Bong Go.

Magaganap ang wish ni Amang dahil kapag nalaman ni SBG na narito sa bansa ang buhay na alamat bago si Bata na nagbigay na ng di birong karangalan sa Pilipinas.

Siya rin ang unang nagpatunay na ang billiards ay di isang sugal o bisyo dahil lakip nito ang isang pangarap at ambisyon na maging kampeon sa mundo tulad niya at nina Reyes.

May isang Dream Match na matagal nang ikinakasa ang billiards afficionados na malapit nang maging realidad- ang tumbukang BATA VS AMANG! Malamang sa Cue Club ni Pacman..ani Marvelous Manalo,sinong mananalo?...ABANGAN!

FYI: Si Amang ang isa sa mga tanyag na celebrities na sina comedian Bert 'Tawa Marcelo,singer Rico Puno,Jockey Eduardo at legendary boxer Flash Elorde ang mga bida sa iconic at patok na San Miguel Beer commercial na 'ISANG PLATITONG MANI!

Ano kayang magandang komersyal sa ISANG MALETANG MONEY?like and comment ka- uppercut!

LOWCUT-Last weekend ay tinrit pabertdey ang Uppercut ni Philippine Eagles' CLR45 Gov.Rafael Agcaoili with kuya Chito Dequit, kuya Alex Vallespin & kuya Elmo sa isang elegante at rock na watering hole diyan sa President's Avenue sa BF Paranaque City. Enjoy at very relaxing ang ambiance ng DIEGO BAGNETO ni Ka Raymond sa 2F Greenworld Plaza.

Hanep ang sounds nito sa saliw ng FRC (Folk, Rock & Country) music sa jamming din ng mga de-kalidad na guests nito na wantusawa sa pagkanta ( meron ding banda)na di naman nakakasawang pakinggan.Tena mga 'tol jam na at SUAN'SING along sa Diego Bagneto, Okey To!

Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.

#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City

Contact us:

09451935742
dasgilas010@gmail.com

Office Hours: 8am-5pm

To God Be the Glory

since 2023

Editor-In-Chief: Danny Simon

Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com

Write your text here...

Write your text here...

Your message goes here