IN GOD WE TRUST
BIMP-EAGA PENCAK SILAT,SODAIZUL AT JUHAIR NG BARMM PASOK SA SEMIFINALS
UMUSAD sa semifinals ang tambalang Jumail Amaikurot at Sodaizul Mordiffin Marohombsar ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ng Pilipinas A sa Ganda Putra Duo Category ng BIMP EAGA (Brunei, Indonesia, Malaysia and Philippines) Friendship Games na ginaganap sa Kota Kinabalu, Sabah, Malaysia.
SPORTS
ni Danny Simon
11/25/20261 min read


UMUSAD sa semifinals ang tambalang Jumail Amaikurot at Sodaizul Mordiffin Marohombsar ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ng Pilipinas A sa Ganda Putra Duo Category ng BIMP EAGA (Brunei, Indonesia, Malaysia and Philippines) Friendship Games na ginaganap sa Kota Kinabalu, Sabah, Malaysia.
Ayon ka BARMM Pencak Silat head coach / team manager Jamel Hussein Marohombsar. NLP, ang koponang BARMM ay kinabibilangan nina Juhair Amaikurot,Edris Elias,Wezam Bokari, Abdul Hakim Baro at Sodaizul Mordiffin Marohombsar (silver medalist Batang Pinoy Gensan 2025), ay nasa respektableng kampanya upang makapag-uwi ng karangalan para sa bansa.
Assistant coach si Suharto Asdal.
Ang misyon ng BARMM delegasyon ay todo suportado ng Bangsamoro Sports Commission magmula sa transportation, airfare, medical, kagamitan hanggang meals at akomodasyon na kinumprma naman ni Executive Director Salim Wardi B. Alba.
Bukod sa BARMM, ang Pilipinas ay may kinatawang koponan din mula Davao, Puerto Princess, at General Santos City na sumasabak sa BIMP-EAGA 2026 Friendship Games Bukod sa Pencak Silat lahok din ang koponan sa pinagtutunggaliang mga sports na Archery, Athletics, Badminton, E-Sports, Karate, Lawn Bowls, Pencak Silat, Sepak Takraw at Swimming.
Ang tropang BARMM ay sasabak din sa parating na Barang Pinoy Games sa Bacolod City sa susunod na buwan ng Disyembre.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, ParaƱaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
