IN GOD WE TRUST
BISING-BISE SI SBG
HABANG abala sa sobrang pamumulitika ang mga halal na lingkod - bayan pero ang iba ay busy sa pangungulimbat ng kaban ng bayan at kung paano tibagin ang mga kalaban sa pulitika o hilahin pababa ang napipintong maging susunod na lider ng bansa ,si Senator Bong Go( SBG) naman ay di tumitigil sa pagtupad ng kanyang sinumpaang tungkulin na paglingkuran ang mamamayan anumang paniniwala,kulay o sektang kinabibilangan bilang pasasalamat sa milyun- milyong naglagay sa kanyang pedestal bilang numero- unong Senador ng Republika.
OPINION
DANNY SIMON
7/29/20262 min read


HABANG abala sa sobrang pamumulitika ang mga halal na lingkod - bayan pero ang iba ay busy sa pangungulimbat ng kaban ng bayan at kung paano tibagin ang mga kalaban sa pulitika o hilahin pababa ang napipintong maging susunod na lider ng bansa, si Senator Bong Go(SBG) naman ay di tumitigil sa pagtupad ng kanyang sinumpaang tungkulin na paglingkuran ang mamamayan anumang paniniwala,kulay o sektang kinabibilangan bilang pasasalamat sa milyun- milyong naglagay sa kanyang pedestal bilang numero- unong Senador ng Republika.
Bising - bise si SBG- Senate Committee on Health and Sports head,sa pagkalinga sa mga kababayang dumaranas ng sakuna at todo suporta sa mga atleta ng bansa at sa sports pangkalahatan para sa karangalan ng Pilipinas.
Milyun- milyong Pilipino na ang natulungan ng kanyang pet project na MALASAKIT center na walang ibang makakagaya ng kanyang adbokasiya para sa kababayan niya.
Tunay na workaholic public servant kahit anong posisyon niya sa national government ay tunay na effective sa tao.Maging Senador to VP o Vice..Bising- BUSY VICE...Go, go GO!
***
REKOGNISYON MULA PH AT WORLD SUDOKWAN ASSOCIATION
TUMANGGAP ng kaukulang pagkilala mula SUDOKWAN Association, Inc. ang tatlong personahe sa hanay ng pamamahayag, hukbong sandatahan at corporate sector na pawang mga alagad ng sining marsyal.
Ang naturang rekognisyon ay iginawad ni SAI Philippines founder Rene Catalan( 2006 Asian Games Doha wushu gold medalist) bilang pagpapahalaga sa kanilang ambag na responsibilidad na maging instrumental na bahagi sa pagpapalawig ng larangan ng SUDOKWAN na Pinoy ang lumikha pero pang - mundial ( World)ang destinasyon.
Kinilala ang inyong lingkod (journalist, media relation officer) bilang SAI Board of Director.
Gayundin ay ni - recognize si businessman/ sportsman( martial arts enthusiast) Michael Abcede ng corporate sector bilang National Capital Region ( NCR) Director at kinilalang bagong SAI Ph Director at Blackbelt member si Army 2nd Lt. Joed Ocampo sa espesyal na seremonyang isinagawa sa CFS Gym sa Tejeros, Makati City.
It's an honor to be recognized by this prestigious organization. Gagawin ko ang makakaya upang palawigin tungo sa katanyagan sa pamamagitan ng desiminasyon ng impormasyon ng SUDOKWAN upang maging number one di lang sa Pilipinas kundi pati sa world stage ng sport na sinegundahan ni Abcede at inayunan ni Ocampo
kaakibat ng kanilang pasasalamat kay founder/ Chairman Catalan sa naturang rekognisyon.
Ang espesyal na seremonya ay sinaksihan ng mga SAI officials na sina Brookeshields Imperial WSA, Zander Gregorio,Joseph Ramos Dequina Meamore Dungngo, mga fighters na sina Rene Catalan, Jr. Gabby Gutierrez, Catalan Sibling, Kid Almario at iba pang miyembro ng SUDOKWAN family at Catalan Fighting System.






Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
