BON VOYAGE 'SKYWALKER'

MAPALAD ang korner na ito dahil isa tayo sa nagkaroon ng pagkakataong makilala personal hanggang sa pagiging magkaibigang tunay kay PBA superstar Samboy 'Skywalker' Lim mula noong kanyang peak sa larangan na nagpahanga sa buong bayang basketbolista hanggang abroad.

OPINION

Danny Simon

12/28/20231 min read

MAPALAD ang korner na ito dahil isa tayo sa nagkaroon ng pagkakataong makilala personal hanggang sa pagiging magkaibigang tunay kay PBA superstar Samboy 'Skywalker' Lim mula noong kanyang peak sa larangan na

nagpahanga sa buong bayang basketbolista hanggang abroad.

Ang produkto ng Letran, San Miguel Beer superstar at longtime national team player na si

Samboy ay isang nirèrespetong individual sa hardcourt at sa tunay na buhay dahil sa pagiging humble nito sa kabila ng kasikatan ay hindi ito umere sa tuktok kundi isang down to earth na personalidad na bihirang makita sa hanay ng mga tanyag na tao.

Una kong nakapalagayang- loob si Samboy noong napabilang ako sa delegasyon ng Welcoat (PBL) team bilang media representative nina Terry Que at Raymond Yu noong late 90's na dumayo sa isang torneo sa Bangkok, Thailand kung saan ay invited player ng Paintmasters ang Skywalker.

Matagal kong nakakakwentuhan ang superstar at alamat sa PBA mula sports, personal hanggang iba pang aspeto ng larangan tungkol sa bansa nating Pilipinas.

Madali rin siyang magpaunlak sa mga imbitasyon kahit sa malalayong lugar sa bansa bilang balik niya sa kanyang tagahanga nationwide.

Piyesta ang aking balwarte sa Tarlac nang paunlakan niya ang aming imbitasyon ni Pare Alex Wang ng Wangs Ballclub na maging panauhin sa opening ng aking paliga sa mga kabataan doon.

Di sila makapaniwalang mapaparating ko ang alamat at tanyag na PBA superstar na si Samboy at ang bantog na commercial basketball team na Wang's.

Kahit na open court pa noon at under the sun ay walang kyemeng nagturo pa ng shooting technique sa mga potensyal na kabataan doon na labis kong ikinagalak sa mga sandaling iyon.

Di na kailangan pang i-elaborate ang mga personal na achievements ni Samboy dahil alam na ito ng buong bayang baskebolista noon at ngayon.

Sayang nga lang at maaga siyang tinawag ng Poong Lumikha upang makasalamuha sa langit ang mga mababait na nilalang mula sa lupa.

Bon voyage idol. Ang legasiya mo sa larangan dito ay di makakalimutan kailanman!