BONG GO AT BONG COO

ESPESYAL na panauhin si Senator Christopher Lawrence'Bong' Go sa idinaos kamakailan na Women in Sports Awards Night sa bagong koloreteng Rizal Memorial Coliseum sa Vito Cruz ,Maynila.

OPINION

Danny Simon

3/24/20242 min read

ESPESYAL na panauhin si Senator Christopher Lawrence 'Bong' Go sa idinaos kamakailan na Women in Sports Awards Night sa bagong koloreteng Rizal Memorial Coliseum sa Vito Cruz, Maynila.

Ang gala night ng prestihiyosong kaganapang tinatampukan ni PSC Commissioner Olivia 'Bong' Coo bilang isa sa mga natatanging WIS Lifetime awardees ay magkatuwang na inorganisa ng Philippine Sports Commission sa timon ni chairman Richard Bachmann at ng Philippine Council on Women kasabay ng pagdiriwang ng International Women's Month.

"Tonight is a testament to the strenght, dedication and passion of Filipino women. You have not only excelled in your respective sports but have also contributed to uplifting the spirit and prestige of our nation in both the local and international stage",wika ni Senate Sports Committee chair Go na kinilala sa pinakamataas na antas ang sakripisyo at kagitingan ng Pinay athletes' par excellence.

Ginawaran ng Athletes of theYear sina tennis player Alex Eala at Team Pilipina football forward Sanna Bolden. Personal ding tinanggap ang rekognisyon ni FLAME awardee Hidilyn Diaz-Naranjo, ang natatanging Tokyo Oĺympics gold medalist ng bansa. Tulad ni Coo,tumanggap din ng Lifetime award ang dakilang Pinay bowler na si Arianne Cerdena.

Nasa 46 na women national athletes ang ginawaran sa gabi ng parangal na iyon dahilan sa naihandog na karangalan sa bansa sa kanilang sports na kinabibilangan. MABUHAY ANG ATLETANG PINAY!

****

PAMA'THAI NA UPPERCUT NI MARCIAL

ISANG pamatay na Uppercut ang binigwas ng pambatong Pinoy Olympian na si Eumir Marcial sa panga ng dayong undefeated boxer, ang nagpa-plakda at nagpahilik -lapat ang likod sa lona ng kalabang Thai sa kanilang tuneup fight sa Ninoy Aquino Stadium kamakalawa ng gabi. Ang naturang ten rounder ay barometro ng kondisyon ni Eumir bago sumabak sa Paris Olympics sa Hulyo ng taon.

Ang batas ng kamao o Marcial ĺaw sa ring ni Eumir ay nasaksihang personal mismo ng mga dumagsang Pinoy sa Ninoy at tumunghay sa socmed, kung saan ay inaasahang magiging armas niya para mabigwas na sa wakas ang unang boxing gold ng Pilipinas sa Olimpiyada.

Dapat kasing patulugin ni Marcial ang lahat ng makakalaban para iwas-luto sa mga hurado at maseguro ang ginto sa Paris.

Sa naturang tune up, tunay na di pipitsugin ang kalaban at halos pareho ang laki at halatang mapanganib. Di lang siya talaga umubra sa kondisyong si Eumir . Alam kasi niya pag taga-Thailand ang kalaban..' DI BINIBEYBI ANG THAI.. KINAKA'THAI sa lona!

Lowcut: Shoutout sa ating ka-uppercut na si Ms. Abby Pamplona diyan sa PLDT Boni. Aba'y tara na ..bakasyon na!

Si Senator Bong Go kasama ang mga WIS awardee at opisyal na organisador ng awards gala night na Philippine Sports Commission na sina Chair Dickie Bachmann at commissioners Gaston,Hayco at Bong Coo (WIS awardee rin) Kuha ni MENCHIE SALAZAR