BOXING MURAL PAINTING BABAYARAN NI PACMAN
BAHAGI ng aking adbokasiya ay ang i-share ang aking GOD-given talent na pagdidibuho,pagpipinta bilang isang alagad ng sining partikular sa mga bata.
SPORTS
DANNY SIMON
8/24/20251 min read


BAHAGI ng aking adbokasiya ay ang i-share ang aking GOD-given talent na pagdidibuho,pagpipinta bilang isang alagad ng sining partikular sa mga bata.
Sa isang arts clinic na isinagawa ko para sa Tarlacqueño kids,tinuruan kong magpinta ng mural ang mga batang mahilig at may talento sa sining nang libre.
Sports mural ang aming subject sa isang wall ng gusali.
Ang sentro ng piyesa ay si Pambansang Kamao,8 -division world champion Manny 'Pacman Pacquiao kaya enjoy ang mga piling batang painters sa kanilang dinrowing na sports idol.
Op kors ako ang pampinale at finishing touches sa natuang mural.
Ang ganda ng resulta ng painting na pinagtulungang ipinta ng mga talentadong mga bata sa aking kumpas at timon.
Sa nakaraang taon press conference ng inilunsad na MPVL( volleyball league na counterpart ng MPBL sa basketball) kung sàan ay espesyal na panauhin si Pacman.ipinakita ko sa kanya thru cellphone pic ang naturang painting na siya ang bidang -bida.
Humanga siya at nagustuhan ang obra kaya humiling siya sa akin na igawa siya ng ganung piyesa para sa kanyang koleksiyyon ng sining..
Inatasan niya ang kanyang tao na si Cris na makipag-ugnayan sa akin para sa nasabing mural.
Kahit walang advance payment ay pinatuloy ni Cris ang mural kaya ginawa ko na sng obra.
Natapos ang painting ay di ko na makontak si Cris para maideliver ko na sana.
Hanggang sa kasalukuyan ay nakatengga itò at inaantay ko na magkita na lang kami uli ni champ Pacman.
Malaking bagay at makatutulong sa aking adbokasiya kapag nabayaran ni Pacman ang aking obra maestra.
Marunong naman magbàyad ang Pinoy pride,boxing icon,cager, chess and darts player,pool shark- public servant at arts enthusiast Manny 'Pacman Pacquiao di ba champ Kap Marlon 'Marvelòus Manalo? MISMO!
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato