IN GOD WE TRUST
BSKE POLLS
Magiging katanggap- tanggap ba kung ang BSKE election ay hindi gawin sa November 2 pero 2026 pa rin gaganapin at ang panukalang limang taon ang termino ay magsisimula sa mga mahahalal ng 2026?
ATTY. ARIEL INTON
8/27/20261 min read


Magiging katanggap- tanggap ba kung ang BSKE election ay hindi gawin sa November 2 pero 2026 pa rin gaganapin at ang panukalang limang taon ang termino ay magsisimula sa mga mahahalal ng 2026?
Bakit nga ba November 2 2026 ang Barangay at Sk election na alam naman ng mga mambabatas na November 1 ay UNDAS at karamihan ay nasa sementeryo pag-alala sa mga mahal nila na sumakabilangbuhay na? Baka daw makaapekto pa ito sa turnout ng voters. Pero sapat bang dahilan ito para gawin five years ang term ng barangay at SK officials at hindi matuloy ang halalan?
Kung November 2 2026 lang ang problema bakit hindi naisip ng mga mambabatas yan? Tila mababaw yatang dahilan.
Pero kung sakaling ang magiging panukala ay November 2 2026 ay i -move sa ibang araw pero 2026 pa rin at ang term na limang taon ay mag apply sa mga mananalo sa 2026, magiging ok kaya ito ?
Maaring may mga legal issues pa rin na puede isalang sa Korte Suprema pero kung ilan araw lamang ang pagitan ay baka wala na rin maghain ng petition sa Korte Suprema.
At sana kung sakaling maipasa yan ay maging malinaw din na yun term na elected ang barangay officials ay ibibilang sa pag determine ng three term rule.
Sa ating mga mambabatas malinaw ang nais ng higit na nakakarami - ituloy ang halalan para panatiliin ang mga nararapat at patalsikin ang mga walang silbi at korap.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
