Bucol, Diaz, hinablot ginto sa BP Weightlifting

INIANGAT nina Adrian Bucol ng Zamboanga City at Matthew Diaz ng Rizal ang mga nakatayang dalawang gintong medalya sa weightlifting habang inangkin ni Aerice Dormitorio ng Quezon City ang una sa cycling sa pagbubukas ng matinding aksiyon sa Batang Pinoy National Championships sa Rizal Memorial Sports Complex at Tagaytay Centrum sa Tagaytay City.

SPORTS

Danny Simon

12/18/20232 min read

INIANGAT nina Adrian Bucol ng Zamboanga City at Matthew Diaz ng Rizal ang mga nakatayang dalawang gintong medalya sa weightlifting habang inangkin ni Aerice Dormitorio ng Quezon City ang una sa cycling sa pagbubukas ng matinding aksiyon sa Batang Pinoy National Championships sa Rizal Memorial Sports Complex at Tagaytay Centrum sa Tagaytay City.

Itinala ng 12-anyos mula Zamboanga City National School ang kapwa personal best na 45kg sa snatch at 58kg sa clean and jerk pati sa total lift nito na 103kg sa 12Under Boys 32kg upang ibigay sa siyudad na kinikilala sa sport na Weightlifing ang unang gintong medalya sa pinagganapan na Dacudao Tennis Center.

“Pinaghandaan ko po talaga ang makasali dito sa Batang Pinoy,” sabi lamang ng Grade 6 na si Bucol na tanging weightlifer sa tatlong magkakapatid. “Iniaalay ko po sa mga magulang ko ang gintong medalya saka pangarap ko po maging Olympian tulad ni ate Hidilyn,” sabi pa nito sa iniidolo na si HIdilyn Diaz-Naranjo na pinakaunang nagwagi ng gintong medalya para sa bansa sa nakaraang 2022 Tokyo Olympics.

Hindi naman nagpaiwan si Matthew Diaz, na pamangkin ni Hidilyn Diaz-Naranjo, sa pagwawagi nito sa gintong medalya sa 12 Under Boys 37kg sa unang pagsali pa lamang sa pagbuhat sa 41kg sa snatch at 55 sa clean and jerk para sa total lift nito na 96kg at ibigay sa Rizal ang unang ginto sa overall standings.

12-year old Adrian Bucol of Zamboanga City won gold in Boys 12-under category 32 with total weight of 103 held at Rizal Memorial Complex; Aerice Dormitorio, 12, Home School/Hope Integrated School (Fairview) - First gold medalist PNG-BP combined.

“Nakakanerbiyos po kasi unang sali ko pa lamang po. Sinabihan lang po ako ni ate Hidilyn na huwag matakot at isipin ko po na nasa ensayo lang po ako kaya nakayanan ko,” sabi ni Diaz, na nasa ilalim ng pagtuturo mismo ng mag-asawa na si Julius at Hidilyn Diaz-Naranjo sa bagong tatag na Jaja-Jala Weightlfiting.

Una nito ay inangkin ng 12-anyos na si Dormitorio, nakababatang kapatid ng national MTB rider na si Ariana, ang ginto sa cycling sa combined Cycling BP Girls 13-Under criterium na may race format: 30 mins + 3 laps na nagsimula at natapos sa may Praying Hands sa Tagaytay City Centrum.

Tinalo ng 12-anyos na home school sa Hope Integrated School sa Fairview at dating MTB rider na lumipat sa road race na si Dormitorio ang siyam na ibang kasali sa pagtawid sa finish line sa 45:48.4 segundo para makamit ang una nitong ginto sa una ding pagsabak sa national mutli-sports competition.

Samantala’y nagtala ng bagong kasaysaysan ang Batang Pinoy sa pagtatala ng pinakamaraming attendance sa 3x3 pati na sa centrepiece event na swimming.

Umabot sa kabuuang 123 koponan ang sumabak sa Batang Pinoy at 89 sa PNG sa 3x3 habang ang swimming ay nagtala ng kabuuang 2,400 kasali na hindi pa kasali ang mga kalahok mula sa bagong dating lamang na delegasyon ng Abra.

“This is the biggest record of participants sa swimming sa Batang Pinoy na umabot sa 2,000 swimmers at 400 sa PNG while we are still including the delegate from Abra,” sabi ni BP-PNG swimming tournament director Richard Luna.