Bukidnon Sports Complex... BUKID NOON TRAINING GROUND NG PH ATHLETES NGAYON

NATUKLASAN ng Philippine Sports Commission na may ideyal na maging training hub ng mga boxers ng bansa na naghahanda para sa malalaking international competitions.

SPORTS

Danny Simon

8/23/20251 min read

NATUKLASAN ng Philippine Sports Commission na may ideyal na maging training hub ng mga boxers ng bansa na naghahanda para sa malalaking international competitions.

Kamakalawa ay nagkasundo sina PSC Chairman Pato Gregorio,Senator Miguel Zubiri at local government ng Bukidnon na i-transfoŕm ang bagong tayong Bukidnon Sports and Cultural Complex na isang lunduyan ng mga world caliber Pinoy boxing talents.

"I'm very happy to be here.Thumbs up to the development of your province and city- such beautiful facilities. I've seen many training centers in the world and this is truly world class," wika ni Gregorio sa kanyang pagbisita sa 13- ektaryang complex sa Malaybalay City ,

Bukidnon.

Si Senator Zubiri na siyang nasa likod ng naturang landmark development sa Hilagang Mindanao ay personal na ipinagmalaki kay Chair Pato ang 15- thousand seat na stadium,8- lane track and field oval football pitch at aquatics center na may Olympic -size swimming at diving pool.

Pati na sa 13‐ thousand seat gymnasium na dinisenyo para sa basketball,badminton at martial arts at may 4 pang tennis courts,open field para sa outdoor events,auditorium para sa cultural performance at museum.

Kasama sa complex tour sina Bukidnon Governor O'Neil Roque at Malaybalay City Mayor Warren Pabillaran na kapwa suportado ang proposisyon ni Gregorio na i-designate ang complex bilang isa sa regional training centers sa bansa.

"We'll support your regional training centers-that's our commitment in the Senate.Mayor Warren and Gov O'neil are here with us.We are one Bukidnon,so rest assured you'll have our full support.We're proud to host the boxing team", sambit ni Zubiri.

Pugay sa inyo, asenso talaga pag nagkakaisa at may political will di ba Chairman Gregorio..?

Imagine, bukid noon,modernong sports hub ngayon sa Bukidnon..ZUBIRIGOOD!