CARLO ORIG JORNOS AT CONG. PICHAY REUNITE
NAGKAROON ng pagkakataong mag- bonding ang mga orihinal na mamamahayag ng Carlo Publishing House, Inc. at ang dating publisher na si Cong.Prospero Pichay sa kanyang tanggapang Pichay Group of Companies nitong weekend sa Pasig City.
PEOPLE* PLACES* EVENTS
Danny Simon
1/11/20252 min read


NAGKAROON ng pagkakataong mag-bonding ang mga orihinal na mamamahayag ng Carlo Publishing House, Inc. at ang dating publisher na si Cong. Prospero Pichay sa kanyang tanggapang Pichay Group of Companies nitong weekend sa Pasig City.
Sa imbitasyon ni businessman, public servant at sportsman Pichay, nagpaunlak ang mga naging bahagi ng newstèam ng mambabatas sa kanyang pahayagan noon dekada "90 na Remate, Remate Tonite, Tribune at Ang Bagong Pinoy.
Pinangunahan ng batikang tabloid columnist Vilma M. Monteverde ang Orig Carlo Publishing Group of Journalists ang pambihirang bonding na isa nang reunion ng tropang Pichay na namayagpag sa larangan ng print media.




Tampok sa naging bonding bukod sa kumustahan ang pagkakaroon ng pagkàkataong maging bahagi rin ng radio station ni Cong. Pichay na DZME.
" It's a nice feeling to see u and bond with you again after three decades na nagexplorë na sa iba-ibang larangan sa pamamahayag.I wish you all the best at welcome to DZME", wìka ni Pichay , 3rd nominee ng nangungunang 4P's Party List.
Kabilang sa orig sina Monteverde,Nenet Villafania,Tess Dizon, Bing Elijay,Vicky Cervales, Danny Simon, Jaime Hao, Marie Batilaran, Steve Batilaran, Rossana Dellomas, Rey Nillama, Beth Aragon, Baby Macabuhay at Bayani Santos.
Hindi naman nakadalo sa okasyon dahil sa mahalagang rason ang Ilan pa sa mga Carlo Orig na sina EIC RB, Amor Virata,Susan Cambri,Jesse Ong, Danny Salcedo, Johnny Magalona, Bernard Baldovino, Janine Bucas, Josie Esmas, Jeff Venancio, Jess Diaz, Jojo Caunceran at iba pa na inaasahang maitatakda ang ikalawang batch ng reunion sa lalong madaling panahon.


Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato